Chapter 15: You can't save everyone

111K 4.9K 2.4K
                                    

15.

You can't save everyone

Maddy


Sa pagpasok ko pa lamang sa convenience store ay agad na tumunog ang chime dahilan para mapalingon sakin si Sage na nakaupo sa likuran ng counter. Muling bumalik sa isipan ko ang nangyari sa party kaya hindi ko na siya magawang tingnan pa.


"Buti naman dumating ka na, nakakabagot talaga dito pag walang kausap." Nakangiti niyang sambit. Paano niya nagagawang ngumiti sakin ng ganyan matapos ang nangyari? Don't tell me di na niya yun naalala? Well sana naman hindi niya maalala.


"Teka ba't ganyan ang suot mo? Ba't di ka naka-uniform?" Kunot-noo niyang sambit sabay turo sa suot kong pink dress. Yeah I'm wearing a pink dress with a jacket on top. Madumi na ang lahat ng pantalon ko at nakalimutan kong maglaba okay?!


Napabuntong-hininga na lamang ako at lumapit sa kanya sabay abot ng sobre, "I just want to turn in my resignation. Pakibigay nalang kay boss." Dali-dali akong tumalikod mula sa kanya at naglakad palayo pero bigla na lamang niyang hinigit ang braso ko.


"Teka sandali, iniiwasan mo ba ako?" Bigla niyang tanong dahilan para kunot-noo ko siyang harapin.


"Ha? Ikaw iiwasan ko? Bakit naman?" Pagmamaangan ko saka tumawa ng pilit, "My Uncle just died Sage, I need to grieve." Pagsisinungaling ko dahilan para unti-unti niyang bitawan ang braso ko. Sinusubukan kong tingnan siya sa mga mata ngunit hindi ko magawa. Habang tumatagal, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, bwisit.


"C-condolence." Aniya kaya tumango-tango na lamang ako.


"Thanks." Sabi ko na lamang saka ngumiti.


"Maddy kung gusto mo ng kausap andito lang ako." Giit niya. Sa totoo lang gusto ko siyang sapakin. Naalala ko ang mukha ni Shannon kanina sa video, the girl looked so torn and depressed pero asan si Sage? Andun at binabalewala siya. Galing.


"S-sige, mauna na ako." Paalam ko pero muli na naman niya akong pinigilan. Bubulyawan ko na sana siya pero bigla niyang kinuha ang isang maliit na kahon mula sa ilalim ng counter.


"Muntik ko nang makalimutan, may sulat pala na dumating para sa'yo sabi ni Boss." Aniya sabay abot sakin ng isang sobreng galing sa post office at nakapangalan mula kay Uncle.


"Thanks." Sabi ko na lamang saka tuluyan nang lumabas mula sa convenience store. Nang masiguro kong hindi nakatingin si Sage sa direksyon ko ay binuksan ko na ang sobre at tiningnan ang laman nito.


"The bitch..." Mahinang sambit ko nang makita ko sa loob ang isang polaroid na nagpapakita kay Lily na nakakulong sa loob ng isang kotse. Nakatali ang mga kamay at paa niya, naliligo siya sa sariling dugo, umiiyak at may busal ang kanyang bibig. Para siyang takot na takot sa taong kumukuha ng litrato niya kasi nakasandal siya sa pinakalikurang bahagi ng sasakyan.


Tiningnan ko ang likod ng litrato at nakita ko ang mga katagang "Time is ticking little psycho"


"Hoy! Bingi ka ba talaga?!" Napapitlag ako nang bigla na lamang may sumigaw at nang mapalingon ako ay nakita ko si Montoya na inilalabas ang ulo niya mula sa sasakyan.

Magugustuhan mo rin ang

          


"Skylark Montoya maputol sana ang ulo mo!" Bulyaw ko na lamang sa kanya saka naglakad patungo sa sasakyan niya at walang paligoy-ligoy na naupo sa front seat.


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla na lamang akong napasulyap sa loob ng convenience store. Dali-dali akong umiwas ng tingin nang makita ko si Sage na nakatitig sa direksyon namin, mukha siyang nakasimangot habang nakahalukipkip ang mga braso.


Bigla kong narinig na humalakhak si Montoya, "Pucha, mga bata nga naman."


"Just drive grandpa." Sabi ko nalamang sabay irap sa kanya.


"'Wag kang magselos, di ko type ang girlfriend mo!" Biglang sumigaw si Montoya ng pagkalakas-lakas sa mismong direksyon ni Sage saka tuluyang pinaandar ang sasakyan kaya napatakip na lamang ako sa mukha ko dahil sa sobrang inis.


"Kahit siraulo ka, buti naman may pumatol pa sayo." Pang-aasar ni Montoya habang binabagtas namin ang tahimik na highway. Kahit maga-alas syete pa lamang ng gabi ay napakatahimik na agad ng paligid. This is what you get for living in the middle of nowhere.


"Pasalamat ka at may pakinabang ka pa sakin dahil kung wala, sa kangkungan pupulutin ang bangkay mo." Sabi ko na lamang sabay abot sa kanya ng polaroid na nakuha ko, "Here's lily's photo and at the back, It says the clock is ticking so pretty much, she's about to die."


Hindi niya kinuha ang polaroid, sa halip ay napasulyap lamang siya dito at napatitig habang patuloy sa pagmamaneho. Ewan ko ba pero bigla kong nakita ang ngisi sa mukha niya.


"What's with the smirk?" Tanong ko nang muli niyang ibinalik ang atensyon sa daang walang kalaman-laman.


"We are racing against time to save someone. Alam mo bang antagal-tagal ko na 'tong pinangarap? Ito ang dahilan kung ba't ko gustong maging isang pulis! Action na'to! Wohoo!" Aniya na para bang isang batang sabik na sabik at bigla na lamang pinaandar ang nakabubulabog na sirenang nakakabit sa kotse niya saka mas binilisan pa ang pagmamaneho kaya napahawak na lamang ako ng mahigpit sa seatbelt na nasa nakakabit sa katawan ko.


See this is why I wanted this idiot to be my ally, because he's too much off a kid. He's too ambitious. His thirst for action and recognition is too big.


"Wait, alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Tanong ko at walang pag-aalinlangan siyang tumango-tango.


"Nakikita mo yang kulay pulang karatula na nahagip sa litrato? Yan lang naman ang karatula ng kaisa-isa ngunit pinakamalaking junkyard dito sa Eastridge. Sigurado ako kasi nakapunta na ako diyan nang mawalan ng bakal ang may-ari." Pagmamalaki niya pero imbes na bumilib ay hindi ko mapigilang matawa. This must really be his first life and death situation case.


"Hindi ka ba tatawag ng back-up?" Tanong ko.


"And let them have the glory?" Napasinghal si Montoya at umiling-iling, "Ito ang una kong kaso na ako lang ang aasikaso. Walang boss na magdi-dikta, walang protocol na susundin, ako ang masusunod." Aniya at mas lalo pang lumapad ang ngiti sa labi niya. Akala ko talaga seryoso siya, hindi naman pala. Impulsive and wreckless, definitely.

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon