Chapter 4: Surprise little psycho

153K 5.9K 2.7K
                                    

4.

Surprise little psycho

Maddy

Hirap na hirap na akong huminga kaya naman saglit akong tumigil sa pagtakbo. Hindi ko maintindihan bakit pero panay na lamang ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko at ang dibdib ko naman ay para bang sasabog na sa sobrang takot at kaba.

"Mama!" Umiyak ako nang umiyak. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito sa maisan o kung paano ako makakaalis mula rito. Kanina pa ako takbo ng takbo at pagod na pagod na ako. Napapalibutan ako ng nagtataasang mga tanim na mais at kahit saan man ako magtungo, parang nagpapaikot-ikot lang ako, hindi ako makaalis. Napakadilim pero dahil sa liwanag ng buwan ay nagagawa kong maaninag ang mga tanim na dinadaanan ko.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagtakbo. Natatamaan ko ang mga tanim na mas matanggad pa sa akin kaya naman pilit kong winawasiwas ang mga kamay ko. Sa isang iglap ay bigla akong nakaramdam ng hapdi at nang tingnan ko ang kaliwang kamay ko ay nagulat ako nang makitang may hawak pala akong isang mahabang bitak ng salamin. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko rito ay dumudugo na ang mga kamay ko at umaagos ito sa lupa.

"Tulong! Parang-awa niyo na tulungan niyo ako!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko na naman ang mga palahaw ng isang babae... naririnig ko na naman ang mga palahaw niya at isa lang ang ibig sabihin nito—siguradong nananaginip na naman ako.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili kong magising pero nang muli kong idilat ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang isang kulay asul na pinto.... Oh shit not this again.

Ewan ko ba pero para na akong nawawalan ng control sa sarili kong katawan. Bigla kong binuksan ang kulay asul na pinto at gaya ng dati nakikita ko na naman ulit siya.... Nakakadena ang mga paa niya samantalang ang isang kamay naman niya ay nakatali sa dingding. Umiiyak siya, nagmamakaawa, sumisigaw. Napakarami niyang sugat sa katawan at halatang takot na takot siya. Napakarungis niya. Ang suot niyang uniform ay napakarumi na dahil sa magkahalong putik at mantsa ng dugo. Black skirt at black necktie, ngayon ko lang napansin ang pagiging pamilyar nito.

"Parang-awa mo na, pakawalan mo ako dito! Wala akong ginawang masama sayo!" Umiiyak nitong sambit sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Parang dinurog ang puso ko nang magtama ang mga mata namin at makita ko sa mga mata niya ang matinding takot at lungkot.

Napasinghap ako nang tuluyan akong magising. Tagaktak ang pawis ko at para akong pagod na pagod. Ganito nalang ako palagi kapag napapanaginipan ko siya. Nakakainis, ba't ba kasi namin siya biniktima? Bwisit, ba't ba ako nagkakaganito? Hindi ko dapat maramdaman 'to. Hindi 'to magugustuhan ni Mama.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong maga-alas-tres na pala ng hapon. Three hours to go at magsisimula na ang shift ko sa convenience store so I might as well prepare. I want to sleep but then again if I sleep, I might see her again... I never want to see her again. Ever. Para mapalagay ay kumuha nalang ako ng lollipop mula sa malaking bote.

"Madeline hija?" Narinig kong may kumatok sa pinto. Sa boses palang mukhang ang matandang cleaning lady ata 'to.

Seriously? Mahirap bang tandaan ang Maddieson? Yes unusual ang spelling but come on, Madeline? That little shit lives in the cartoon version of France.

"Yes po?" Binuksan ko ang pinto ng may napakatamis na ngiti sa labi ko. Pabebe on the outside, Bebe ni Satanas on the inside.

"Hija may sulat pala na dumating para sa'yo. Hinatid ko nalang dito sa unit mo." Aniya kaya agad akong nagpasalamat nang iabot niya sa akin ang sobre. Nang makaalis siya ay agad kong tiningnan kung kanino ito galing ngunit walang pangalang nakalagay. Naka-address lang sa pangalan ko.

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now