Chapter 12: The Game Changer

93K 4.8K 2.5K
                                    

Warning: Rated SPG... I think? Lols


12

The Game Changer

Maddy


"It's okay. You did what's right. Mama will be proud... Mama will be proud." Paulit-ulit kong sambit sa sarili ko habang nakatitig sa salamin. Matapos manghilamos ay lumabas na lamang ako mula sa banyong nahanap ko at bumaba sa hagdan.


Naririnig ko parin ang napakalakas na musika at sigawan mula sa baba. Gaya kanina ay nagkakasiyahan parin ang lahat. Ewan ko nalang sa mga naglalaro parin ng taguan. Bahala sila, hindi ko sila hahanapin. Mabulok sila sa pinagtataguan nila.


Naglalakad ako sa pasilyo ng pangalawang palapag nang bigla akong mapasulyap sa isang kwartong nakabukas. Teka ba't may bedroom dito?


Nakunot ang noo ko nang makita ko ang isang lalaking nakaupo sa nakabukas na bintana. Nakatikod siya mula sa akin pero siguradong-sigurado ako kung sino ito... si Sage.


Pumasok ako sa kwartong kinaroroonan niya at sinara ang pinto dahilan para mapalingon siya sakin. Bwisit, mas mapapadali sana ang pagpatay ko sa kanya kung hindi niya ako napansin.


"Baka malaglag ka diyan." Walang emosyon kong sambit sa kanya at isinilid ko sa bulsa ng jacket ang kamay kong nanginginig parin dahil sa ginawa ko kay Toto.


"Alam mo bang ang bintana 'to ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Shannon?" Bigla niyang sambit saka ngumisi. Pulang-pula ang mukha at mga mata niya, at mula pa lang sa tono ng pananalita niya ay halatang lasing na siya.


Lumapit ako sa kanya at napasandal rin sa bintana, "Anong nangyari?" Tanong ko na lamang kahit wala naman akong pakialam.


Nanatiling nakatitig si Sage sa kalangitan habang nakangiti, "3rd year kami at kaka-transfer ko lang. Hindi ko na matandaan kung bakit pero ako ang parating pinagdidiskitahan ng lahat. Milagro nalang kung hindi ako nakakatanggap ng suntok o kahit na anong pasa sa isang linggo. Kahit sa bahay, gagong-gago rin ako dahil sa tiyuhin ko. Para akong pinagkakaisahan ng buong mundo hanggang sa isang araw ay muntikan akong magpakamatay—"


"And Shannon saved you?" Sarkastiko kong tanong.


Biglang tumawa si Sage at umiling, "Parang oo, na parang hindi. Nilapitan niya lang ako para sabihing hindi ko ikakamatay ang pagtalon dito. Na kung gusto kong mamatay ay doon dapat ako sa rooftop." Muli siyang tumawa na para bang may naalala, "Ah oo nga pala, ninakaw niya rin ang kwintas na binigay sakin ng nanay ko kaya imbes na tumalon ay hinabol ko na lamang siya ng hinabol—tangina ba't ako lang ang nagk-kwento, ikaw? Ba't mag-isa ka lang dito sa Eastridge?" Dagdag pa niya kaya napangiti na lamang ako't umiling-iling.


"Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan but part of it is pretty confidential." Pabiro kong sambit.


Bumaba si Sage mula sa bintana at naupo sa isang bedside table na malapit lang sakin, "Ano? Nagtatago ba kayo sa batas?" Natatawa niyang sambit dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko.

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now