Chapter 2: Maddy the Goody

148K 6.8K 2.4K
                                    

2.

Maddy the goody

Maddy


"Ikaw anong ginagawa mo? 'Wag mo nga yang itutok sakin!" Bulyaw ko sa kanya. Bwisit, ang tanda-tanda na niya pero ang lakas paring mang-trip.


Ngumisi siya at binalik ang baril sa holster niya, "Pikon ka talagang bata ka."


"Adik ka talagang matanda ka." Napairap na lamang ako sa kanya at muling hinawakan ang mga paa nitong si Manong Holdaper.


"Maddieson, nakalimutan mo na ba ang pinag-usapan natin?" Inis niyang sambit kaya muli kong nabitawan ang mga paa ng holdaper.


"Anong pinag-usapan natin Uncle Bob?" Pagmamaang-maangan ko na lamang sabay ngiti at kamot sa ulo ko.

Napasigaw na lamang ako nang bigla niyang piningot ang tenga ko, "Sabi ko sayo palamigin mo muna ang sitwasyon bago ka gumawa ng kalokohan. Ba't may pinatay ka na naman?! Gusto mo ba talagang mapahamak?! Diba may usapan tayong wala kang papatayin dito sa Eastridge?!" Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, ang pagpingot ni Uncle sa tenga ko o ang sermon niyang mala-machine gun niyang bunganga.

"Uncle chill! Buhay pa ang holdaper na'to, wala lang malay pero no worries, di ka naman mapapahamak. Malinis ako kung tumrabaho." Giit ko dahilan para bitawan niya ang tenga ko.

"May balak ka paring patayin siya?!" Sa sobrang galit ni uncle, lumalaki tuloy ang butas ng ilong niya.

"I am my mother's daughter uncle. Dapat alam mo na 'yan." Sabi ko at pabirong tinapik ang malaki niyang tiyan.

"At anong gagawin mo oras na mapatay mo siya? Itatapon mo lang sa isang tabi?" Sarkastiko niyang sambit kaya natawa na lamang ako.

"Of course not. Actually uncle may naiisip akong bagong signature, kung noon nagca-carve ako ng heart sa body part ng binibiktima ko, ngayon gusto ko iba naman-I was actually thinking of dismembering his body. Sobrang cliché na kasi dito sa pinas ang chop-chop lady eh, why not chop-chop manong? Ibebenta ko ang laman at internal organs niya sa pinakamalapit na barbecue shop or medical school tapos the rest ay susunugin ko para zero trace, ang maiiwan lang sakin ay ang mga mata niya bilang trophy-cool right?" Excited kong paliwanag pero nang tingnan ko si Uncle ay nakangiwi na siya, parang diring-diri and at the same time natatakot sakin.

"Uncle malaki-laki narin layers ng tiyan mo ah? Mukhang malaki ang kikitain ko pag ibebenta ko yan sa barbecue shop." Biro ko sabay tapik ng tiyan niya kaya naman dali-dali siyang humakbang paatras.

Whoa, is he really my mother's brother? Ang arte niya naman. Pulis na nga, maarte pa.

"Hija may kakilala akong magaling na psychiatrist. Unorthodox ang pamamaraan niya pero matutulungan ka niya." Sabi niya kaya natawa na lamang ako. Seriously, kung hindi ko lang 'to kadugo, kanina pa 'to naghihingalo.

Napabuntong-hininga na lamang ako, "For the nth time, I'm not crazy. I'm just embracing the madness of what I really am. Kung hindi mo parin tanggap kung anong klase akong tao, ba't pinapatago mo ako dito sa Eastridge kasama mo? Uncle you are the police superintendent in this damn city, maiintindihan ko naman kung natatakot-"

"Nangako ako sa Mama mo na ako ang bahala sayo habang wala siya. Tutuparin ko ang pangakong iyon kaya sana tuparin mo rin ang ipinangako mo." Walang emosyon niyang sambit kaya napaupo na lamang ako sa malaking sako na nasa likuran ko at hinayaan siyang lapitan si Manong Holdaper.

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now