Chapter Five

94 7 0
                                    

Jael's Point of View

"Ross kasi! Parang tanga naman 'to!"

Tinawanan nya lang ako at inulit-ulit na sinipa ang upuan ko. Kanina pa ako pikon na pikon sakanya hindi ba sya marunong makiramdam?

"Nangyan, tatanggalan na kita ng paa sinasabi ko sayo." Akala ko madadala ko sya sa pag babanta ko pero mas lalo lang itong tumawa. Halatang sobrang enjoy sa pinag gagawa.

Huminga ako ng malalim. Pinipilit kong pinapa kalma ang sarili ko. Yung pasensya kong pang bente katao nauubos lang sakanya.

Sinamaan ko ng tingin si Ross. "John! Pwede bang palit tayo upuan?" Tawag ko sa lalaking nasa pinaka likod naka pwesto. Pinag saklop ko ang kamay ko para mag makaawa talaga sakanya. Hindi ko na talaga matiis 'to si Ross. Hindi kaya ng pag titimpi 'to. Baka bigla kong mabasagan ng mukha.

"Eh, ano kase..." Ngumuso ito sa likuran ko at bumungad saakin ang mukha ni Ross na parang gusto makipag suntukan. I took a deep breath trying to calm my self.

Halos mag diwang ako nung tumigil sya sa pang gugulo saakin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na natutulog na si Ross. Sana lagi nalang syang tulog. Hindi sya mukhang masarap tupiin sa walo at gawing punching bag dahil sa sobrang amo ng kanyang mukha.

Pumasok na rin ang guro namin sa General Mathematics. Nag labas ako ng kwaderno para mag notes. Hindi na rin nag abala pa si Sir Trey na gisingin si Ross. Bakit kaya? Lagi nalang may special treatment sa mga kagaya ni Ross. Parang sya yung may ari ng school sa sobrang special.

"Pst, hey," I choose to ignore him.

Kinuha ng lalaki ang notebook ko. I clenched my fist in anger.

"What's the point of taking all these notes?" He asked.

"Look, Ross. I'm trying to concentrate. Can you please respect that?!" Nagulat ito sa naging pag taas ko ng boses. "Naka english na, baka hindi mo pa rin maintindihan!"

"Come on, lighten up! It's not like you're going to use this stuff in real life anyway." Walang katuturang depensa nya.

"Tsk," hinablot ko kay Ross ang notebook ko. "Pukpok ko sa ulo mo 'to pag di ka tumigil."

Hindi sya tumigil sa pag bubulong-bulong nya at pag sasalita kaya hindi ako makapag focus. Hindi ko na nasusundan ang bawat formula at wala na rin pumapasok sa utak ko.

Halos mag halumpasay na ako sa inis. Hindi ko maintindihan si Ross, gusto lang ba mang inis, mag papansin o wala lang magawa sa buhay kaya ako ang pinag didiskitahan.

"Yamot much?" Bulong ni Ivy. Tumaas ang gilid ng labi ko. "Bukas ayoko na umupo dito. O di kaya mag shift na ko ng strand para di ko na makita pag mumukha ng taong 'to sa bawat sulok ng classroom."

"Tama yan, ganyan, backstabbin mo lang ako. Masyadong mahina, pwede paki-lakasan? Parinig mo kay Ma'am. Pakita mo kung sino ka." Sabat ni Ross habang pinapa ikot-ikot ang ballpen sa daliri.

"Ross, naranasan mo na ba tanggalan ng kamay? Mukha? O buhay?"

"No, bu--"

Pinutol ko na agad ang sasabihin nya. "Mabuti. Gusto mo paranas ko sayo ngayon?"

"Woah, woah. Ang aggressive naman," Tinaas nito ang mag kabilang kamay na parang inaaresto.

Naawa na siguro saakin si Ivy kaya pinag bigyan nya akong mag palit muna kami ng upuan. Halos umabot sa langit ang ngiti ko. Nag make face ako kay Ross na naka busangot na ang mukha. Sa wakas nakaramdam din ako ng katahimikan kahit sa isang subject lang. Pakiramdam ko parang nasa impyerno ako kapag nasa tabi nya ako tapos si Ross ang demonyo na nag papahirap saakin.

Embracing the TroublemakerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu