Chapter Fourthy Four

192 7 0
                                    

Jael's Point of View

Naalimpungatan ako sa mahimbing kong pag kakatulog nang may maramdaman akong mabigat na naka dagan sa bandang tiyan.

Kumunot ang noo ko at una kong tiningnan ang oras. Alas tres na ng madaling araw hanggang sa dumapo iyon sa banda kong tiyan. Nagulantang pa ako nang makita kong may kamay na naka pulupot sa bewang ko at naka hawak sa mga kamay ko.

Napa-upo ako sa gulat at kahit papikit-pikit pa ang mata ko kitang kita ng dalawang mga mata ko kung sino ang taong 'yon.

Gumalaw din s'ya at tiningnan ako. Napuno nang pag aalaa ang mukha ko nang makita ko ang kabuohan ng kanyang mukha. Sobrang daming galos ng mukha n'ya tapos may band aid pa sa kanang pisngi. Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang naka hawak saakin. May naka pulupot doon na bandage.

"Did... I wake you up?" Marahan n'yang sabi habang naka tingin saakin. Yung boses n'ya pang bagong gising.

Nangingilid ang mga luha ko habang naka tingin sakanya. Dahan dahan syang tumayo at upo sa kama na agad ko namang sinunggaban ng yakap.

Oh, God... I really miss him.

"Bakit ngayon ka lang?" humikbi ako na parang bata. Mahigpit ang yakap n'ya saakin at ganon din ako sakanya at ramdam ko ang mainit nyang. paf hininga sa leeg ko.

"Sorry..." he whispered. "I'm sorry, baby..."

Mas lalo akong humagulgol sa balikat ni Ross. Lahat ng takot ko ay napawi. "Don't cry please... oh, God. Please, don't cry... I don't want to see you cry... It's breaking my heart..."

Hindi ko ininda kung gaano karaming luha yung nailabas ko pati na rin sipon. Nasa ganoong posisyon lang kami, mag ka-yakap sa isa't isa hanggang sa unti-unti akong kumakalma. Na miss ko si Ross nang sobra, yung amoy n'ya ngayon, araw-araw kong hinahanap simula nung nawala s'ya.

"I miss you so much..." bulong nito habang hinahaplos ang likod ko.

Kumalas ako sa mga yakap namin at hinarap si Ross. Agad ko namang naramdaman ang mainit na palad n'yang pinupunasan ang mukha kong basang basa ng luha. Tinapik ko ng ilang beses yung mukha n'ya para makumpirmang si Ross nga ang nasa harapan ko at hindi ako nananaginip lang.

"Ah!" daing nya ng matamaan mo yung gasgas sa mukha nito.

"Hala! Sorry!"

"It's okay." aniya. Nilagay ni Ross ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga. "Sleep first, you still have school tomorrow." Inayos ni Ross ang unan ko kaya humiga na ako pero hawak ko pa rin ang kamay n'ya.

Dahil sa liwanag na nang gagaling sa buwan na tumatama sa mukha ni Ross, litaw na litaw ang kulay tsokolate nyang mata. Ngayon ko lang din nakita na may nga pasa rin sya sa mukha at sugat sa labi. Mukhang malala ang mga natamo n'yang sugat sa nangyari. Nangingilid na naman tuloy yung luha ko. Parang pinipiga yung puso ko habang tinitingan s'yang nasa ganitong sitwasyon.

Mas gusto ko pang makita yung makulit at hambog na si Ross kaysa makita s'yang puro galos.

"Hey, tell me, what's on your mind?"

"W-wala," napa yuko ako. "Si Artemio ba yung may gawa lahat nang yan?"

"Listen, Jajai," tinaas nya ang ulo ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang nag tagpo ang mata naming dalawa. "I don't want to stress you out, okay? Let me handle this. Our exam is near, I don't want you lose your concentration because of what happened, hmm?" Napapikit ako nang maramdaman ko ang kasiguraduhan sa boses ni Ross. I feel safe.

"I'll protect you. No matter what happened." Naramdaman ko ang pag lapat ng labi ni Ross sa ulo ko. "Sleep tight."

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Agad na bumukas ang mata ko at tiningnan ang mag kabila kong gilid. Nanaginip lang ba ako?

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now