Chapter Nine

91 7 0
                                    

Jael's Point of View

Pasuray-suray akong naglakad papasok sa classroom namin. Wala pa akong tulog, ginagambala ng isip ko yung mga nakita at nabasa ko kagabi. Para akong zombie na nag lalakad.

"Hoy, 'te! Ang aga-aga ang haggard mo na para kang nakipag digmaan sa labas!" Tawang sabi ni Ivy nang makita. Binagsak ko ang bag ko sa upuan at yumuko, gusto kong umidlip! Bwisit.

"Jael, nakapag review ka ba sa Gen-Bio?" Napa balikwas ako at agad na hinarap si Ivy. "May quiz ba?!" Tumango ito. Natatatanta naman akong nilabas ko ang handouts namin para mag simula nang mag basa. Second subject namin 'yon! Paano ko nagawang kalimutan?

Masyado nang sinakop ng mga Alaric ang utak ko. Nanlumo ako habang nag babasa, kaya ba 'to ng dalawang oras i-review? Gusto kong mag halumpasay sa inis na nararamdaman. Pinilit ko munang alisin sa isip ko yung mga hindi ko naman dapat isipin at kinalma ang sarili.

Tahimik lamang ako sa pag babasa at pilit na inaabsorb yung mga naka sulat kahit hindi ko naman naiintindihan. Parang walang sense lang din yung pinag babasa ko dahil pag nag papa-quiz yung guro namin sa genbio, madalas wala sa handout. Binabasa na nga lang ppt hindi na nag tuturo tapos malakas pa loob mag pa quiz.

Napansin kong walang nag iingay at nangungulit sa tabi ko kaya nilingon ko ang pwesto ni Ross. Wala pa s'ya. Hindi ba 'yon papasok? Mag sisimula na ang first subject pero wala pa rin sya.

"Jael, alam mo napa-isip ako sa sinabi ni Cy kahapon saatin," ani ni Ivy. Tinapunan ko s'ya ng tingin ngunit agad ko rin binalik sa binabasa.

"Hmm?"

"Kase sinearch ko yung mga Alaric tapos hindi man lang lumabas yung pamilya nung Arturo ba 'yon."

"Artemio," pag tatama ko sakanya. Natawa sya sa sinabi ko. "Taray, alam. Sabi na eh, alam kong gagamitin mo 'yang detective skills mo eh."

"Dami mong kalokohan, Ivy."

She rolls her eyes. "Duh? Hindi ka ba nag tataka, ang yaman-yaman ng pamilya nila, influential tapos ni kapirasong detalye tungkol sa pamilya n'ya wala? Hindi naman posible 'yon 'no!" Katwiran ni Ivy. Ibinaba ko ang mga papel na binabasa at binaling ang binaling ang buong atensyon sakanya. May point eh.

"Kahit yung pinaka mayaman nga sa ibang bansa pag sinearch mo sa google, lalabas at lalabas yung ganong kaliit na impormasyon pero don sa Artemio, ni isa wala? Like, something is fishy."

Kumurap ito ng ilang beses at napa takip sa kanyang bibig na parang may na realize na isang napaka laking bagay. "What if mafia boss pala yung Artemio?" Napa-awang ang labi ko na ikinalaki naman ng mata ni Ivy. "What if yung pamilya ni Ross, ano..." linapit nya ng bahagya ang kanyang mukha saaking tenga. "Kabit, kaya walang information tungkol sakanila. It make sense diba?"

Natahimik ako. May sense naman yung sinabi ni Ivy, hindi imposibleng kabit yung mother ni Ross at anak sila sa labas pero hindi ko gusto isipin na 'yon ang dahilan kung bakit wala man lang bahid ng connection si Ross sa pag katao ni Artemio.

Isinawalang bahala ko muna iyon dahil pumasok na si Sir Trey para simulan ang klase n'ya. Hinanap nito si Ross ngunit walang sumagot saamin dahil pati rin naman kami ay hindi alam kung nasaan s'ya. Baka isa 'tong araw na 'to sa mga absent days nya.

Buong klase naging tahimik ang buhay ko, walang nang aasar at nang gugulo saakin. Para tuloy akong nasa alapaap dahil sobrang saya sa pakiramdam. Sumunod naming klase ay General Biology. Binigyan lang kami ng ilang minuto para mag sagot at mag check na rin kaagad. Naka kuha ako ng 15/20, not bad sa hindi nakapag review at identification pa ang quiz.

Nag tinginan kaming dalawa ni Ivy at marahang natawa dahil tinatranslate lamang ng guro namin sa genbio yung lesson n'ya. Ang daming ppt na na nag f-flash pero ni isa doon ay wala kaming naiintindihan, kadalasan self study tuloy ang nangyayare sa Genbio. Buti na nga lang exempted kami sa Exam.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now