Chapter Twenty Nine

422 19 0
                                    

Jael's Point of View

Tatlong araw na akong hindi pumapasok sa school dahil sa pinapasukan kong trabaho. Simula alas siete nang umaga hanggang alas otso nang gabi ang pasok ko, totoo nga ang sinabi ni Ate Cath na sa 13 hours na 'yon, naka tayo lang kaya sobrang paguran. Isang chicken factory ang napasukan ko, na atasan ako sa pag m-marinate nang mga manok at pag hiwa. Mabuti nalang ay marunong ako sa mga ganitong bagay kaya medyo nagamay ko na rin kaso lang ay sobrang malansa.

Hindi ako pwede mag inarte dahil wala kaming makakain kung nag kataon. Paguran dahil sobrang nakakangalay, wala rin akong maayos na tulog dahil pag dating ko sa bahay galing trabaho, nag p-part time naman ako sa malapit na fast food restaurant dito. Naka night shift ako, 10pm hanggang ala singko nang umaga. Pag uwi ko pa 'non, aasikasuhin ko pa sila Levi at Rhys sa pag pasok tapos matutulog lang saglit at pasok na naman sa factory.

Binenta ko na rin ang cellphone ko sa bumibili nang mga sirang gamit para may maipang bayad sa upa nang bahay kaya wala akong contact sa school pati na rin sa mga kaibigan ko. Pagod na pagod na ang katawan ko at halos bumigay na pero kinakaya pa rin dahil hanggang ngayon wala pa rin kaming kuryente at halos tig pisong chichirya nalang ang inuulam namin.

Nag leave muna ako sa convenience store, binigay sakin ang kalahati nang sahod ko at ginamit ko yon para ipang dagdag sa bayad nang upa at pang bayad sa tubig.

Halos pa 9pm na nang makarating ako sa San Lorenzo, bagsak na ang balikat ko sa sobrang pagod. Gusto ko nalang humiga at matulog kaso hindi pa pwede dahil may trabaho pa ako mamaya.

Dahan-dahan ang naging lakad ko, tanging ilaw na nang gagaling sa poste na lamang ang nag sisilbing ilaw sa dinaraanan ko. Tahimik na ang kapaligiran,  iilan nalang ang mga taong nasa kalsada na kaparehas ko ay nag lalakad pauwi, meron namang nag lalakad paalis.

Napahinto ako sa pag lalakad nang mag bagsakan ang mga gamit ko sa bag. Natataranta ako habang dinadampot isa-isa ang mga nahulog kong gamit, tiningnan ko na rin ang bag na dala ko. Sa sobrang luma, hindi na kinaya at nasira na nang tuluyan.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napa upo sa gilid nang kalsada at doon tahimik na nag lalakad. Doon ko lang naramdaman lahat nang pagod na ilang araw kong tinatago. Nanatili lang ako sa ganoong posisyon at tahimik na umiiyak, nilabas ko lahat nang bigat at pagod na nararamdaman ko dahil sa sandaling umapak ako sa bahay, kailangan ko na mag pakatatag para sa mga kapatid ko.

Binalot ko nalang gamit ang bag na dala ko ang mga nalaglag na gamit. Wala naman akong choice dahil wala na ako ibang bag pa na dala. Napailing ako sa sarili ko. Ultimo maayos at matibay na bag wala akong mabili. Baka tahiin ko nalang ito pag uwi ko.

"Jaja?" Agad akong napalingon sa pamilyar na boses. Kahit na medyo may kadiliman ang daan, dahil sa kaputian nang kanyang balat, agad ko itong nakilala, sya lang din naman ang tumatawag nang ganoon saakin.

"W-what are you doing here in the middle of the night?" Aniya na may pag tataka. Nasisinagan nang ilaw ang kanyang mukha kaya naman kita ko ang pag alala at pag salubong nang kilay nito habang naka tingin saakin.

"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sakanya.

"I'm the one who should be asking that. What are you doing here?" Tinulungan nya akong pulutin ang mga gamit ko.

"Dito ako naka tira," I stand straight. "Eh ikaw, anong ginagawa mo rito?"

"W-well, I'm with my family. Nag aya kumain si Elliana sa bagong tayong restaurant malapit dito. I'm on my way there pero nakita kitang bumaba ng jeep." kwento n'ya. "Saan ka nang galing?"

"Galing akong trabaho,"

"Damn! You're working? I mean, you're a minor! You're not allowed to work, right?" kunot noong sabi nito saakin habang gulat na gulat.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now