Chapter Sixteen

178 14 2
                                    

Jael's Point of View

Maaga akong gumising para maaga kong maasikaso lahat ng mga kailangan kong gawin. Pinag handaan ko na rin ng pagkain sila Levi at binilin sila kay Manang Celia.

Halos madilim pa nang maka-rating akong school pero madami nang mga magagarbong sasakyan ang naka parada sa labas ng school. Sa room nila Elkayne kami aayusan at doon na rin mag bibihis kaya doon na ako dumeretso. Pag karating ko, officer palang halos ang mga nandito pati na rin yung team ni Ma'am na mag m-make up saakin.

Pina-upo lang ako sa may harap ng salamin at saka nila ginalaw ang mukha at buhok ko. Tinanong nila ako kung anong klaseng make-up ang gusto ko pero ang sinagot ko lang, sila na ang bahala basta yung babagay sa susuotin ko. Wala naman kase akong alam masyado sa make-up kaya hindi ko rin alam kung ano ang isasagot. Hindi ko pa nakikita yung susuotin ko for sport attire pero nasa sasakyan na raw kasama yung gown at iaakyat na rito.

Wala pa si Elkayne pero nag chat ito saakin kanina na on the way na s'ya at may dinaanan lang. Unti-unti na rin nag kakaliwanag at marami na rin estudyante ang pumapasok dito sa silid. Bigla tuloy akong nahihiya pero natutuwa at the same time sa tuwing nakakarinig ako ng compliment. Naririnig ko rin na nag o-open na maya-maya ang ibang booth.

Kahapon palang maayos na yung booth ng STEM at mukhang ayos na rin ang booth ng ABM dahil nakita ko na yung sakanila sa baba. Dahil sportfest ngayon, ang junior highschool at senior highschool pwede mag sama kaya pwede ng isa't isa bisitahin ang booth na prinepare ng bawat grade.

"Andito na pala si Elkayne," rinig kong sabi ni Ma'am Rhian. Binukas ko ang isang mata ko dahil nilalagyan ng eyeshadow ang kabila. Kita kong nag lalakad si Elkayne palapit sa kinaroroonan ko.

"Morning, Ja. Early bird," ani ni Elkayne nang maka lapit sya saakin. Binati ko ito pabalik. "Kumain ka na ba?" Tanong nito at nilapag sa harap ko ang paper bag ng Jollibee.

"Kayo po, nang? Kumain na ba kayo? Marami tong na-order ko eh. Kuha kayo," alok nya sa mga nag aayos saakin pati na rin sa mga kaklase nito. Ang iba ay humingi pero karamihan ay tumanggi. Busog pa raw sila.

"Kaya mo ba kumain, Ja?" Tanong ulit nito saakin habang nilalabas yung ilan sa mga pagkaing binili nya. Umiling ako, naka pikit pa naman ako dahil may kung ano-ano pang pinag lalagay sa mga mata ko. "Subuan nalang kita,"

"Hindi na, lagay mo nalang d'yan. Kakainin ko after ako mak---"

"Ah, open your mouth," aniya. Pinag lapat ko ang labi ko at sinilip si Elkayne, bumagsak ang balikat nya at pabiro akong inirapan. "Ang kill joy! Hindi ka na kase makakakain n'yan kapag tapos mo make-upan. Bibihisan ka na rin tapos mag s-start na yung program." aniya. Wala na akong nagawa kaya binukas ko na ang bibig ko. Wala naman na akong magagawa eh.

"The chemistry is chemistry-ing!" Sinilip ko kung sino ang sumigaw, sa pag kakatanda ko s'ya yung isa sa mga nag tanong ng pangalan ko nung kasama ko si Elkayne dito.

"Corny mo, Kenneth." Sagot sakanya ni Elkayne at saka nya binato ang pinag inuman nyang dolce chocolate milk drink. Agad ko itong sinuway dahil nag kakalat sya, ang linis pa naman ng classroom.

Halos nag iisang oras din akong inayusan, simple lang naman yung make up saakin, light lang tapos medyo may pag ka dark glitters sa mata na nag c-compliment sa pag ka fair skin ko. Kinulot naman yung mahaba kong buhok.

Inantay ko lang saglit si Elkayne dahil kinausap sya saglit ni Ma'am Rhian. Hindi na inayusan pa si Elkayne dahil halos hindi na kailangan.

"Let's go na po, Ms. Jael," ani ng babae na nag pakilala bilang Haeru. Personal Assistant daw ito ng Mommy ni Elkayne, pinasama sya rito para asikasuhin kaming dalawa.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now