Chapter Thirty Seven

253 15 2
                                    

Jael's Point of View

Isang oras din siguro kaming namatili sa loob ng auditorium, pinapakiramdaman namin ang isa't isa hanggang sa tumayo si Kelvin.

"A-alam n'yo ba kung saan ang puntod n'ya?" Tanong nito saamin. Nilingon ko si Cypress, kanina pa ito tahimik ngunit mugto rin ang kanyang mga mata. Malapit ito sa banda at pinsan nya rin si Bishop kaya posibleng alam n'ya ito.

"S-sa Haven of Peace, m-malapit sa San Lorenzo..." aniya.

Unti-unting kumunot ang noo ko, Haven of Peace. Isa iyon sa pinaka malaking pribadong sementaryo malapit sa San Lorenzo. Kaya ba palaging nasa San Lorenzo si Ross dahil doon naka libing ang nakaka tanda nitong kapatid?

"S-salamat sainyo... mauuna na ako," ani nang lalaki bago kunin ang gitara n'ya. Mukha pa itong nang hihina dahil muntik na itong matumba kaya naman agad akong tumayo para tulungan sya ilagay sa balikat ang kanyang gitara ngunit may napansin akong sulat sa gilid.

Ingatan mo 'to, bro. Show your talent to the world and I will always support you no matter what. Keep dreaming and It will be worth it. Love you, bro! Happy 14th birthday!

- Kuya Ephraim

Kumirot ang dibdib ko sa naka sulat, hanggang ngayon ay pinapahalagahan pa rin ng lalaki ang regalo sakanya nang itinuturing nyang Kuya. Nag salubong ang mata naming dalawa ni Kelvin at binigyan nya ako nang tipid na ngiti pero kita pa rin ang sakit sa kanyang mga mata bago sya tuluyang umalis.

"Grabe pala mga pinag daanan nang magkapatid 'no?" Wika ni Ivy habang nag lalakad kami palabas ng auditorium. "Ganoon ba talaga kalupit yung mga magulang nila?"

"Oo," sagot ni Cypress. ".... sobra, kaya nga hindi ko rin masisi si Ross kung bakit nag rerebelde sya sa mga magulang n'ya."

"Pero diba sobrang yaman ng pamilya nila?" Tanong naman ni Clarence.

"Oo, sikat na businessman si Mr. Alaric."

"Nasaan Mommy nya?" Hindi kumibo si Cypress sa tinanong ni Clarence at nag kibit balikat na lamang.

Nagkakaroon ang school ng mga meetings na kailangan umattend ay magulang, kapag may libreng oras si Manang Celia, sya ang dumadalo para sa akin at sa mga kapatid ko pag nasasaktuhan na may pasok ako ang meeting nila ngunit ni minsan ay hindi ko pa nakikita na may dumadalo para kay Ross. I wonder where is his mother.

"Ano 'yon kung si Ross ang nag papaaral kay Kelvin na dating si Ephraim, saan kumukuha ng pang paaral si Ross?" Takhang tanong ni Ivy. Sa sobrang pag tataka ay huminto pa ito at hinarang si Cy gamit ang kanyang braso. "May work ba 'yon?"

"I'm not sure but, I heard he's the one who manage their grandfather's businesses. Silang dalawa 'yon dati ni Ephraim at sa pag kakaalam ko may nga investments, savings and even shares syang iniwan kay Ross isa na roon yung café na pag mamay-ari ni Elmore at such a young age."

Halos natameme kaming tatlo sa kinekwento ni Cypress.

"Ang bata pa ni bossing ah? Kaya n'ya lahat i-maintain 'yon?" Tanong naman ni Clarence.

Cypress smirked. "In that 2 years, nagawa ni Ross mapa lago ang mga negosyong iniwan sakanya ng Lolo at Kuya n'ya."

Nawala ang atensyon ko sa sinasabi ni Cypress nang biglang may tumunog sa bulsa ko. Agad ko itong kinapa at kinuha. Nagulat pa ako dahil nasa akin pa pala ang telepono ni Ross.

"Shala, bumili ka na ng cellphone?" Wika ni Ivy. Sinulyapan ko s'ya at agad na umiling. "Hindi saakin 'to, pina hawak lang."

"Nino?"

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now