Chapter Thirty Four

598 30 10
                                    

Jael's Point of View

Maraming nag sasabi saakin na may hawig daw ako kay Olivia Hussey nung kabataan nito. Her eyes, with that unique almond shape and long, expressive lashes, seem to carry a depth that blends innocence and intensity, a trait I've heard people mention about my own gaze.

"Grabe naman si Lord, binuhusan ka ng kagandahan." Ani ni Zendaya, isa sa mga students ng TVL at photographer. Kailangan raw kase nito ng model para sa journal n'ya.

"Grabe, hindi naman..." wika ko. Halos mamula anh mukha ko sa mga puri saakin ni Zendaya.

"Anong hindi naman, sobrang ganda mo 'te! Kaya baliw na baliw sayo yung mga seniors eh!" aniya.

"Huh?"

"Ay? Hindi mo ba alam? May freedom wall yung school tapos may confession 'don, halos puro pangalan mo nga lang ang naka lagay!" Nag labas si Zendaya at may kinalikot at saka nya inilahad saakin ang telepono.

AZURE'S CONFESSION WALL

"Bago lang 'yan pero halos lahat pangalan mo na," aniya habang may kung anong koloreta s'yang nilalagay sa mukha ko.

Nag dadalawang isip 'man, sinubukan ko pa rin tingnan kung ano ang mga naka lagay doon sa ka dahilanang napuno ng kuryusidad ang utak ko.

Shout-out kay Emrys Jael ng STEM-1!! CRUSH NA CRUSH KITA.

- poging sweet lover ng tvl he-3!

Pota bat ang ganda nung emrys jael sa stem 😭😭

- 💪🏼💪🏼

TANGINA MGA BRAD NUNG DUMUAN SI EMRYS SA HARAP KO AMOY COOL WATER! !!!! SOBRANG BANGO!

- Santiago Logan Ruiz sa FB @tiagoruiz sa IG hmu jael or i can hit up 🥰

Gagu, parang may nag lalakad na dyosa pag nag lalakad si emrys pota. mukhang artistahin!

- hulaan mo

MAMAHALIN, LILIGAWAN, PAG SISILBIHAN, LULUHURAN, AASAWAHIN @EMRYS 😭😭

- vice pres ng STEM 2

ano pangalan nung pres sa stem 1?? gago ganda

- secret walang clue

Damn, emrys jael is so beautiful.

- 🤓

Ilan lang yon sa mga nakikita ko bawat post at totoo nga ang sinabi ni Zendaya, halos pangalan ko ang mga naka lagay doon. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil sobrang kalat ng mga estudyante doon at halos umaabot ng three thousand likes yung mga post na tungkol saakin.

"Ngayon ko lang nalaman na may ganyan pala yung school," napa kamot ako sa batok at muling binigay kay Zendaya ang cellphone n'ya.

"Hindi mo ba napapansin mga tingin sayo ng mga school mate nating lalaki? Para ka nilang lalapain sa titig." umiling ako.

"Sa bagay lagi mo kasing kasama si Ross sa labas." kumunot ang noo ko. "Anong kinalaman ni Ross?"

"A-ah, ano, wala. Ano ka ba," tumawa ito ng bahagya. "Okay, tapos na." Kinuha ni Zendaya ang maliit nitong salamin at binigay saakin. Doon ko tiningnan ang sarili ko. Marahan ko pang hinaplos ang mukha ko sa gulat, hindi ko inakala na babagayan pala ako ng mga make-up.

"See? Ang ganda-ganda mo! Kahit light lang yung make-up ko sayo umaangat pa rin yung ganda and natural beauty mo. Sanaol," biro nya.

Napailing na lamang ako dahil hindi ko alam kung paano tutugunan ang ganoong papuri, hindi kase ako sanay at pakiramdam ko hindi totoo yung mga sinasabi nila dahip iba ang nakikita ko tuwing tumitingin ako sa salamin. Wala akong magandang makita sa sarili ko.

Embracing the TroublemakerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora