Chapter Thirty Nine

284 17 3
                                    

Jael's Point of View

Hinawakan ko ang napaka laking painting na nadaanan namin bago ang kanilang elevator. Sinong mag aakala na posible pala magkaroon ng elevator ang isang bahay este mansion?

"Wala ibang tao?" tanong ko sa aking sarili dahil maliban sa tatlong lalaki na nasa labas ng kanilang mansion ay wala na akong ipa pang nakikita kahit na mga kasam-bahay o di kaya iba nilang ka-pamilya.

Ngayon lang din ako naka kita ng tahanan na wala ni isang picture frame ng buong pamilya. Parang wala tuloy naka tira. Napaka laki ng tahanan na ito kung tutuusin kaso nakaka bingi sa katahimikan.

Hindi nga talaga mabibili ng mga mamahaling gamit o hindi kaya malaking tahanan ang isang buo't masayang pamilya.

Sumakay na kami ni Ross ng Elevator at saka n'ya pinindot ang number 3 button. Siguro ay palagpag iyon kung saan ang silid ng naka babata nitong kapatid.

"Madalas ka ba rito?" tanong ko kahit alam ko naman ang isasagot ni Ross dahil halata naman na hindi n'ya gustong namamalagi rito.

"No. Once or twice a month."

"Edi, yung bahay mo talaga is yung nasa school?"

"Hindi naman. I bought a condominium two years ago, I stay there during weekend."

Dahan-dahan akong tumango dahil sa pag ka-mangha. Akala ko ginagawa na nyang bahay yung music room nila sa Azure. Kaya pala may mga pag kakataon na tuwing lunes ay na l-late sya sa klase.

Bumukas na ang elevator at tumambad saamin ang napaka habang hallway. Kung ibabase ko ito, para akong nag lalakad sa hallway katulad nung mga nasa hotel na napapanood ko sa telebisyon. Kaliwa't kanan ang mga silid na nadadaanan namin.

"May mga tao ba sa loob?" tanong ko kay Ross dahil sobrang dami talaga. Imposible namang walang nag mamay-ari ng mga iyon.

"No, wala. Kwarto lang ni Rio ang occupied."

"Huh? Edi hiwalay pa yung kwarto ng Papa mo tapos kwarto n'yo nung dito ka pa naka tira?"

Hindi ako sinagot ni Ross pero huminto kami sa isang silid na may kulay puting pinto. Sinulyapan ko si Ross dahil baka ito na ang silid ng kapatid nyang si Rio.

"Dito na ba ta---"

"It's Kuya Ephraim's bedroom," aniya at tinuro naman nito ang katabing pinto ng silid na pinag hintuan namin. "That's mine."

Hindi ako nakapag salita kaya nag patuloy na kami sa pag lalakad ngunit hindi pa rin maalis ang tingin ko sa dalawang silid na tinuro ni Ross kahit na naka lagpas na kami hanggang sa muli na naman kaming huminto sa pinaka dulo ng hallway kung saan may kulang asul na pinto.

"Kay Rio na 'to?" Tanong ko na ikinatango naman ng lalaki. Naramdaman ko ang pang lalamig at paninigas ng kanyang mga kamay habang naka hawak saakin at pag tikom ng kanyang kamao sa kabila.

"You can do it," I said to cheer him up a bit.

"Damn, I'm nervous as fuck." aniya. Napa pikit sya at napa sandal sa may pader habang sapo nito ang kanyang dibdib. Mas dumoble ang panginginig ng kanyang kamay kaysa kanina kaya ramdam na ramdam ko ang takot nito.

I gently caressed his hand, nag babaka sakaling maibsan ang kabang nararamdaman niya. Nasa ganoong posisyon lamang kami, naka hawak ako sa kamay ni Ross at ganon din sya saakin. Hindi ito nag tatangkang bumitaw at mas humuhigpit pa ang hawak nya saakin hanggang sa unti-unti itong kumalma.

Umayos ito nang tayo at ilang beses na huminga ng malalim. Nginitian ko sya at tinanguan. "I'm ready."

Kakatok pa lamang ito nang biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang ginang na may hawak ng tray na pagkain. Mukhang hindi pa ito na babawasan. Nagulat pa sya nang makita kami.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now