Chapter Thirty One

328 20 0
                                    

Jael's Point of View

Parehas kaming naka upo ni Ross sa sofa dito sa loob ng music room. Halos 30 minutes na kaming nananahimik at mukhang walang may balak saamin na basagin 'yon. Alam ko naman ang gusto kong malaman ni Ross pero gusto kong mang galing mismo sakanya.

"What happened?" Ross asked. "Araw-araw kitang pinupuntahan sa convenience store pero sabi ng cashier, hindi ka na raw nag tatrabaho doon."

"Nag resign ako," sagot ko sakanya. Tumango ito na parang alam n'ya na iyon. "Kinailangan namin ng pera eh. Kailangan ko mag sakripisyo para sa mga kapatid ko, sila muna bago yung iba."

"Hmm," he hummed.

"Mahirap kase maging mahirap, Ross. Wala naman na kaming mga magulang na mag tatrabaho para may makain kami, mag bigay sa pangangailangan namin. Ako lang yung meron ng mga kapatid ko," mapait akong ngumiti sakanya.

"Isipin mo 'yon, at the age of 12 kumakayod na ako para may ipang kain at ipang gatas sa mga nakaka bata kong kapatid but at the same time, nag babayad ng utang na iniwan saamin nila Mama at Papa."

Naka tingin lang saakin si Ross habang nag sasalita ako. He's listening attentively.

"Muntik na kaming mapalayas sa tinitirhan namin kase dalawang buwan na kaming walang nababayad na pang upa. Ayoko rin naman tumira sa lansangan yung mga kapatid ko kase isa sa mga karapatan nila mag karoon ng bahay na masisilungan. They are my number one priority," umiwas ako nang tingin dahil nararamdaman ko na namang babagsak ang luha ko.

"Kinailangan ko mag trabaho at kumita ng medyo kalakihan na pera pang bayad sa utang, upa, tubig at kuryente dahil hindi naman sapat ang kinikita ko sa pag tatrabaho sa convenience store. A-alam mo ba na nag uulam kami ng tag pipisong chichirya dahil hindi ko pa afford na bumili ng kahit itlog man lang?" I sobbed. "Uuwi ako nang bahay, nakikita ko si Levi na antok na antok na pero kailangan nya paypayan ang kapatid nya para hindi magising sa init." Muli kong naalala yung mga gabing 'yon at parang pinipiga ang puso ko.

"Papasok sila sa eskwelahan nang walang dalang baon pero sasabihin nila saakin na ayos lang dahil busog naman na raw sila sa kinain nilang almusal."

Naramdaman ko ang mga braso na yumakap saakin, isinandal nito ang ulo ko sa kanyang balikat kaya doon ako umiyak nang umiyak habang marahan nyang hinahaplos ang likod ko. Mas lalo akong umiyak dahil doon, tunay na tao ang kayakap ko at hindi lang unan.

"It's okay, it's okay, you can cry it out. I'm here..." he whispered in my ears.

"N-nagagalit ako kay Mama at Papa kase... bakit nila kami i-iniwan, a-ang daming what if sa utak ko... g-gusto ko magalit sakanila at itakwil bilang mga magulang namin p-pero bakit umaasa pa rin akong babalikan nila kami para b-bumawi, bakit mahal ko pa rin sila pag tapos nang lahat ng nangyare..." Sunod-sunod ang pag hikbi ko, humigpit ang yakap saakin ni Ross. "B-bakit ang sakit sakit mahalin ng mga magulang namin... bata pa lang naman ako ah? Bata pa lang ako na nag hahanap din ng pagmamahal ng isang magulang..."

"Please, be calm," Ross murmured. Hinarap ako nito sakanya habang hawak-hawak ang mukha ko. Patuloy pa rin ako sa pag iyak kahit sumasakit na ang dibdib ko. "Calm down, please." he pleaded while wiping my tears. "Inahale," sabay kaming huminga ng malalim. "Exhale," Paulit-ulit n'ya iyon sinasabi hanggang sa kumalma ako. Muli nya akong niyakap.

Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib, ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng kanyang puso. Hindi ko mapigilan na yakapin sya pabalik, pakiramdam ko na pinaka ligtas ako sa bisig n'ya, parang payapa ako sa mga yakap nya habang pinapakinggan ang nag haharumintado nitong puso.

"You'so so brave, Jael. You're the bravest person I know. You've been through so much in your life, and you still stand strong." He said.

A comforting silence settles between us. "I-i don't feel brave, minsan, gusto ko nalang sumuko pero hindi pwede dahil sa mga kapatid ko kahit nakakapagod."

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now