Chapter Thirty Three

541 30 6
                                    

Jael's Point of View

Pag tapos ng awardings namin sa gymnasium, agad kaming dumeretso sa classroom para kuhanin ang report card. Kasama ko sila Ivy, Clarence at Cypress, wala si Ross dahil dumeretso ito ng office kasama ang mga kaibigan nya dahil nga pinatawag sila. Hindi ko pa rin mapigilan mapangiti dahil sa achievement na nakuha ni Ross. Hindi lang ako ang nagulat pati na rin ang lahat.

Pag pasok namin sa room, nasa may arm chair na namin ang card. Agad kong kinuha ang sakin at tiningnan.

Oral Communication - 98
Komunikasyon - 97
General Mathematics - 96
Earth Science - 97
Physical Education - 98
English for Academic and Professional Purposes - 99
Pre Calculus - 96
General Biology - 98

Halos malaglag ang panga ko habang pinag mamasdan lahat nang grado ko. Hindi ko inakala na ganito kataas lahat ng 'to!

"Patingin ako sayo 'te, ang baba mag bigay ng EAPP, kainis." Wika ni Ivy at saka kinuha ang card ko sa kamay. Tulala pa rin ako sa gulat at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Pota! Ang taas." Sigaw naman ni Clarence at kinuha kay Ivy ang card ko. "Compute ko ah?" aniya. Tumango ako at hinayaan si Clarence na i-compute ang grades ko para malaman ang general average.

"97.375, ilang points nalang sabit na 'to sa with highest eh." Aniya at muling binalik saakin ang card ko.

"Card 'to ni bossing?" Tanong nya at saka kinuha ang card na naka patong sa arm chair ni Ross.

"Tingnan natin," sagot naman ni Ivy at naki silip para tingnam ang grado ni Ross. Tumayo na rin ako para maki-sali.

Halos malula ako sa nakikita ko, halos 99 lahat ng subject nya maliban sa Komunikasyon, Oral Com at Physical Education. "Shemay. 98 general average ni bossing. Balagbag sa acads!"

Sa sigaw na 'yon ni Ivy, agad na lumapit ang iba naming kaklase para maki-silip.

"Ano average mo, Marshall Kiyoshi Clarence?" Mapang-asar na tanong ni Cypress.

"95 average ko, Theodora Cypress. Sayo ba?" Umasim bigla ang mukha ni Cypress sa naging tugon sakanya ni Clarence.

"Che! Bahala ka sa buhay mo dyan."

"Luh, sya nga nauna mang asar tapos mapipikon. Hoy! Ilan average mo!" Hinabol ni Clarence si Cypress papuntang labas.

"Ang talino pala talaga ni Ross 'no?" Wika ni Ivy ay muling binalik sa arm desk ni Ross ang kanyang report card.

"Matalino naman na kase talaga si Kuya Percival."

Napalingon kaming dalawa sa nag salitang si Radleigh. Kinuha n'ya ang card ni Ross para tingnan. "S'ya dapat ang valedictorian nung highschool." Nag katinginan kaming dalawa ni Ivy. Bakas sa mukha nito ang pag ka-gulat.

"Akala n'yo ba patulog-tulog lang 'yon? Doon kayo nag kakamali. Nung Grade 7 ako and if I'm not mistaken, he's Grade 9 that time. Dumaan ako sa classroom nila tapos nakikita ko syang nakikipag argue sa Mathematics teacher nila kase mali raw yung tinuturo 'non sa mga kaklase n'ya kaya ang ending sya yung nag turo sa harapan kase nainis sakanya si Ma'am." Tumawa sa Radleigh habang naka-iling. "Naalala ko pa 'non, ang daming estudyante na humaharang sakanya para mag paturo ng lessons. Kahit anong subject pa 'yan, kahit anong grade level mo pa basta sakanya ka nag tanong, sureball, masasagot ka nya."

"Legit ba 'to?" Bulong saakin ni Ivy. "Baka ineeme lang tayo nito."

"Sa sobrang talino 'non, na offeran s'ya ng school na pwede sya mag accelerate to college because of his intelligence. Sobrang advance talaga ng utak n'ya, yung tipo na, aalamin mo palang, alam na nya." dagdag nito.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now