Killing #1

4.8K 182 26
                                    

Killing Vincent
Killing #1





"At anong ginagawa ng isang dog na katulad mo sa pamamahay namin? Diba dapat nasa guardhouse ka lang at nauupo para bantayan ang mansion namin?" ang salubong ni Amanda sa akin nung umagang iyon habang nakataas ang kilay nya at naka-cross arms sa hallway ng malaking mansion na yun.

She's wearing her usual expensive morning gown at hindi na bago ang eksena na 'to na magkikita kami sa hallway ng malaking mansion ng mga Montague para maliitin ako.

Hindi narin bago na aso lang ang tingin sa amin ng mga Montague na katulad nya sa mga katulad kong Sylvanus.

Yes, my family are known to be rich and popular but it is all because of the Montague's rich and power.

"Bumalik ka na sa lungga mo dahil dinadala mo dito ang nakakadiring amoy ng dugo ng mga pinatay mo para sa pamilya ko! Shoo! Shoo!" ang maarteng pananaboy nya pa sa akin.

She's Amanda Montague.

She is close to the heir of this generation clan na si Leander Montague dahil magkapatid ang mga magulang nila. Kaya ganito nalang ang kaartehan at pagmamalik-mata nya sa mga taong nandito sa mansion na 'to. Hindi lang sa akin na isang Sylvanus pero sa lahat narin ng servants.

And by the way, magka-edad lang kami pero mas matanda ako sa kanya ng two months.

Pero imbis na mainis ako sa mga pinagsasabi nya ay wala akong maramdaman.

Everything is taught to me by my family and my mentors...except of how to feel.

Yes. I have no feelings.

I was taught not to feel.

Kaya kahit na maglupasay pa sya dito sa pang-iinis sa akin ay hindi ako maiinis. Kahit sampalin nya pa ako at murahin ay wala parin akong mararamdaman. As a Sylvanus, I was taught to bury all my emotions and feelings deep inside me where no one could find it.

"Tapos na po ba kayo sa pang-iinis sa akin, my lady?" ang tanong ko na.

Tama.

Hindi ang pang-iinis at pagmumura nya ang ipinunta ko dito. Pero para puntahan si Master Leander sa kwarto nya para kausapin ako tungkol sa susunod na mission ko.

Tinaasan nya ako ng kilay ng dahil sa isinagot ko. Pero maya-maya ay naibaba nya rin yun dahil siguro na-realize nya ring wala akong mararamdaman sa mga pinagsasabi nya.

"Oh well..." ang maarteng sabi nya habang naka-cross arms. "Mas mabuting umalis na ako dahil baka mahawaan pa ako ng bloody smell mo. So gross! Ew!"

Saka sya naglakad at nilampasan ako.

At hahakbang narin sana ako paalis pero nagsalita pa sya uli.

"And by the way..." she said then turned to me. "Happy eighteenth birthday. Sana hindi ka magtagumpay sa last mission mo...psh! DOG!"

Saka sya tumalikod at tumatawang umalis.

Samantalang hindi ko na pinansin ang sinabi nya at naglakad na ako paalis.

Yes.

Today is my eighteenth birthday.

And as a rule, kapag umaabot na ang edad naming mga Sylvanus sa ganitong edad ay tatanggapin na namin ang last mission at last lesson namin as a Montague's Secret Assassin. At kapag nag-succeed ako sa mission na 'to ay matatanggap ko na ang freedom ko. Makakawala na ako sa pagkakatali mula sa mga Montague.

And if I failed from this mission, I will be killed by my own family members.

Usually ay nauuna muna ang mission bago ang last lesson ko as an assassin. Kaya ngayon ay kailangan ko munang magawa ang misyon ko bago ko makuha ang last lesson ko.

KILLING VINCENT *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon