Killing #8

2.4K 142 45
                                    

Killing Vincent

Killing #8



Nakahiga na ako sa kama ko ngayong gabi at naghihintay na antukin.

In the end ay wala parin akong nakuhang kasagutan mula sa master kaya ngayon ay naiwan akong nangangapa sa dilim tungkol sa totoong pagkatao ni Vincent.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ba ginagawa ito.

Pero pakiramdam ko ay napakalaki ng rason kaya gusto syang ipapatay ng master. And since ito ang huling mission na ibinigay sa akin, idagdag pa na ang kalayaan ko ang kapalit ng pagkamatay nya ay ibig sabihin ay isa sya sa high-profiled targets na mahirap patayin.

But as the way I look at Vincent, mukhang hindi naman sya ganun sa inaakala ko. Usually kasi ang mga nagiging huling target ng mga katulad kong Sylvanus before gaining their freedom are druglords, gangsters, mafia boss, mga politiko, at ang mga negosyante na kalaban ng mga Montague sa negosyo nila. So why Vincent? Saan ba sya nabibilang sa mga nabanggit ko?

O talaga bang nabibilang sya sa isa sa mga yun?

Anong kinalaman ng isang pop star sa mga ganitong bagay?

Just who is he anyway?

The more na iniisip ang bagay na 'to ay the more na mas nahihiwagaan ako sa totoong pagkatao nya.

But why do I give a damn anyway?

All I have to do is kill him. Pero bakit hindi ko magawa yun ngayon?

Nasa ganuon akong pag-iisip nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

*tok-tok-tok*

And then I heard that deep voice.

"Nate-nate?"

Napalunok ako nang marinig ko ang boses nya.

Oh what now?

"W-what?" I asked.

At hindi ko rin alam kung bakit nag-iinit ang mukha ko ngayong narinig ko lang ang boses nya.

"Tulog ka na ba ha?" ang tanong nya sa parang batang boses na yun.

"M-makakausap ba kita k-kung t-tulog na ako? A-ano bang gusto mo?" ang tanong ko.

I tried to sound a little bit irritated para hindi nya mapansin ang pagkakautal ko.

"Pwede bang pumasok ha?" ang tanong nya pa.

"NO!" I instantly yelled.

Hindi ko rin alam kung bakit parang natataranta ako ngayon.

Maybe because...laging may hindi magandang nangyayari sa tuwing nakakasama ko sya sa iisang kwarto.

God, ilang ulit na ba nya akong nahalikan habang natutulog sya?

And by just remembering that ay pakiramdam ko ay sobrang init na ng mukha ko.

Pero narinig ko nalang ang pagpihit nya ng doorknob at bahagyang binuksan ang pinto ng kwarto ko at iniipit nya doon ang ulo nya.

"Sige na Nate-nate..." ang sabi nya pa habang naka-pout.

Urrgh! Ang kulit nya talaga!

"A-ano ba kasi ang gusto mo ha?" ang tanong ko habang umiiwas ako ng tingin.

Bigla syang ngumiti ng napakatamis at nag-V sign pa sya sa tabi ng mukha nya bago nagsalita.

"Pwede ba kita makatabing matulog?"

KILLING VINCENT *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon