Killing #15

2.4K 134 34
                                    

Killing Vincent

Killing #15



I can hear my heart pounding as I rushed inside his unit.

Narinig ko nalang ang malakas na tawa ni Nathan habang paalis ng lugar na yun.

Yes. He's laughing because for the first time, Natalie Sylvanus, his younger sister, has been tricked by her own target.

Pero may bahagi sa akin ang ayaw maniwala sa sinabi nya.

May bahagi sa akin ang humihiling na sana nga ay nagbibiro lang sya sa sinabi nyang walang ganung agency na nag-i-exist.

Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba nang tumakbo ako papasok ng kwarto ni Vincent.

Please Vincent.

Please don't hurt me.

Please don't betray me.

Please...

I beg him inside my head dahil hindi ko kayang tanggapin ang pumapasok sa isipan ko.

Pero alam ko na sa dami ng katanungan sa isipan ko na matagal ng bumabagabag sa akin ay alam kong ang pinto lang na iniwan ko sa library nya ang makakasagot sa akin.

Ang pintong yun ang kasagutan kung talaga ngang naging totoo sa akin si Vincent.

Kung talaga ngang...wala syang kaalam-alam kung sino ba talaga ako.

Nanginginig ako sa kaba na pumasok sa library nya at tumakbo patungo sa pinto na nasa likuran ng bookshelf nya.

At nang makaharap ko yun ay pakiramdam ko ay nanlalamig ako ng dahil sa takot sa kung ano man ang pwede kong makita sa loob nun.

I can feel my raging pulse as I held the doorknob firmly in my hand.

Pakiramdam ko ay doon nakasalalay ang buhay ko.

Please Vincent...

Please...

I trusted you so please don't break that trust...

Please don't break my heart...

I held my breath as I slowly turned the doorknob and slowly pushed the door.

At habang unti-unti kong binubuksan ang pinto na yun ay pakiramdam ko ay bigla nalang naging blangko ang lahat.

As I opened it, all the lights of that big room suddenly met my eyes making me see all the things that are in there.

At ng tuluyan ko ng makita kung ano ang laman ng kwartong yun ay tuluyan na akong napaluhod sa kinatatayuan ko at napaiyak nalang ng dahil sa pinaghalong sakit at sama ng loob.

Yes.

I chose him instead of my freedom.

I chose to trust him.

I chose to love him.

I chose to be with him.

I chose to believe in him.

But in the end...he betrayed me.

Napahawak nalang ako ng mahigpit sa dibdib ko at napahagulgol ng iyak ng dahil sa sobrang sakit.

Dahil ang laman lang naman ng malaking kwartong iyon ay iba't-ibang klase ng mga mamahaling kalibre ng mga baril at sa gitna ng kwartong iyon ay isang larawan ko na nakasuot ako ng black fitting dress ko.

KILLING VINCENT *Completed*Where stories live. Discover now