Killing #14

2.3K 135 41
                                    

Killing Vincent

Killing #14



Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung ano ang ire-react nang makita ko ang babaing yun.

Anong...

Anong ginagawa nya dito?

Pero nabigla ako nang ngumiti sya sa akin ng isang napakatamis na ngiti at tuluyan na akong nanigas nang bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"Hi Natalie!" ang sobrang sayang bati nya sa akin habang nakayakap parin sa akin.

I blink.

Simula pagkabata ay yun ang unang beses na ngumiti at yumakap sya sa akin na para bang close kami kaya hindi ko alam kung nananaginip ba ako ngayon o hindi.

Pero nang bumitiw na sya sa akin at nakangiti paring tumingin sa akin ay doon ko na-realize na hindi nga 'to panaginip.

Na ang babaing simula pagkabata na isang aso lang ang tingin sa akin, na lagi akong inaaway, na laging mainit ang dugo sa akin ay nakatayo nga ngayon sa harapan ko at nakangiti na parang sobrang saya nyang makita ako.

"A-anong..."I whispered in shock. "A-anong ginagawa mo dito?"

Pero ngumiti lang sya saka pinulot ang mga paperbags na nasa tabi nya at inilahad yun sa akin.

"Gusto ko lang sanang ibigay ang lahat ng ito as peace offering ko sayo" ang masayang sabi nya sa akin dahilan para mapakurap ako. "Mga mamahaling designer clothes yan na pinili ko talaga para sayo. Sana magustuhan mo" ^___^

Hindi ko alam kung totoo ba 'tong nakikita ko dahil sa totoo lang ay parang nananaginip ako.

Hindi talaga mag-sink in sa utak ko na si Amanda nga ang nakatayo ngayon sa harapan ko at nagbibigay ng mga mamahaling damit na to as peace offering nya sa akin.

Nang mapansin nyang nakatitig lang ako sa kanya ay doon na sya napahinga ng malalim at malungkot na ibinaba ang mga paperbags na hawak nya.

Saka sya nagtaas ng tingin at ngumiti ng payak.

"I know...I've been a little bitch to you..." she said in an apologetic voice. "Pero nagawa ko lang naman ang lahat ng iyon kasi naiinggit ako sayo..."

Tuluyan na akong hindi makapagsalita.

Nagawa nya ang mga yun...dahil...dahil...naiinggit sya sa akin?

"Pero sana mapatawad mo ako Natalie..." ang sabi pa nya gamit ang sincere na tonong iyon. "Gusto ko talagang mag-sorry sayo sa lahat ng nagawa ko at mga nasabi ko sayo simula pa nung mga bata palang tayo. I'm so sorry Natalie. I've been so stupid...sana mapatawad mo ako..."

Hindi ako makapagsalita.

Because it is too unbelievable.

I never imagined in my whole entire life na kakausapin ako ni Amanda Montague sa ganitong paraan.

But as I looked at her face ay nakikita kong sincere sya sa paghingi nya ng tawad.

She smiled at me.

"Okay lang kung hindi mo ako mapatawad ngayon..." ang sabi nya sa mahinang boses na yun. "I know I deserve this. Pero sana talaga mapatawad mo ako..."

I sigh.

Well. Ayoko narin ng gulo.

Ayoko narin na kapag nagkikita kami uli sa sunod ay aawayin na naman nya ako kaya mas mabuting makipagbati narin ako sa kanya.

KILLING VINCENT *Completed*Where stories live. Discover now