Killing #7

2.6K 140 39
                                    

Killing Vincent

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Killing Vincent

Killing #7



Matapos kaming mag-shopping ng mga damit ko ay niyaya nya akong maglakad-lakad sa park na katabi ng mall na yun.

At oo, hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit ako lang ang binilhan nya ng mga bagong damit.

Naglalakad kaming dalawa ngayon sa park habang kumakain kaming pareho ng ice cream na naka-cone. Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong never akong pinayagan na kumain ng ganito simula pagkabata? We have our special diet na kailangan naming sundin at wala kaming karapatan na kumain ng ibang pagkain maliban sa kung ano ang inihahanda sa amin.

Mahirap mang aminin pero...ipinagkait sa akin ang kabataan ko...

Kaya pakiramdam ko ngayon...habang kasama ko sya ay ang dami kong hindi alam sa mundong ito.

"Oooohhhh...! Maglaro tayo sa playground Nate2x!" ang masayang sambulat nya nang madaanan namin ang playground na yun.

My brows met.

Seriously?

Kaming dalawa? Both grown up man and woman ang maglalaro sa playground na yun?

"Huh?" ang react ko. "Pero---"

"Sige na! Halika na!" ang excited nyang sabi at nabigla pa ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at hinila ako papunta doon.

Natataranta naman akong napasigaw.

"H-hoy Vincent---!"

"Oh! Oh! May slide sila Nate2x! Tara! Mag-slide tayo!" ang sobrang excited nyang sigaw.

At wala na akong nagawa nang makarating kami doon. At sa totoo lang ay ito ang kauna-unahang beses sa buhay ko na nakaramdam ako ng hiya lalo na nang makisabay sya sa mga batang yun na sa tingin ko ay nasa edad ng limang taon na mag-slide sa maliit na slide na nanduon.

Parang gusto kong malusaw sa kahihiyan.

"Weeeeee...! Hahahahahaha!" ang masayang sigaw nya pa habang nakikisabay sa mga batang nanduon.

Like, seriously?

A 20 year old grown up man, a celebrity, ay nakikisabay sa pag-slide sa mga five years old na nanduon. Idagdag mo pa na nakakakuha na kami ng atensyon mula sa mga taong dumadaan sa playground na yun.

Of course, it's not everyday you can see a grown up celebrity na nag-i-enjoy sa pagslide sa pambatang slide na yun.

"Oh! Nate2x! May swing naman doon oh!" ang excited na sabi naman nya nang makita ang swing na malapit sa amin. "Halika! Sakay tayo ng swing!"

At wala na akong nagawa nang bigla na naman nya akong hilain at nanlaki pa ang mga mata ko nang pilit nya akong pinaupo sa isang swing na nanduon.

"H-hoy! T-teka---!"

KILLING VINCENT *Completed*Where stories live. Discover now