Killing #6

2.7K 158 33
                                    

Killing Vincent

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Killing Vincent

Killing #6



Hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

Una, naging yaya ako ng target ko.

Pero...ang hirap paniwalaan na naging instant bestfriend nya pa ako!

Si Natalie Sylvanus, ang kilalang assassin because of her one shot, one kill killing strategy ay naging bestfriend ng target nya. Naiisip nyo ba kung gaano nakakahiya yun?

At ang naging ending lang naman ng lahat ay ang mapilitan akong kunin mula sa apartment na inuupahan ko ang mga damit at gamit ko at manatili nalang sa condo unit nya habang nag-iisip pa ako ng paraan kung paano ko ba sya mapapatay.

Tama. Hindi ako dapat sumuko.

Only his death will set me free from all of this.

Kaya kahit na labag sa kalooban ko ay kailangan kong magkunwaring maid slash bestfriend ng target ko habang wala pa akong naiisip na bagong strategy kung paano ko ba sya papatayin.

At dahil bestfriends na kami...

"Waaaaaaaaahhhhh..!!! MAMA!!! Ayoko na! Ayoko na! Gusto ko ng umuwi!" ang iyak nya sa tabi ko habang nanunuod kami ng horror movie sa isang sinehan.

Oo. Niyaya nya akong magshopping pero bigla nalang nyang naisip na gusto nyang manuod ng horror movie kaya nandito kami ngayon sa sinehan.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatakip ang mga kamay nya sa bibig nya at parang batang nakasuksok sa balikat ko.

Psh. Ang bading lang talaga ng lalaking ito.

At teary-eyed pa sya ha. At kanina ko pa napapansin na lagi nyang tinatawag ang Mama nya.

"N-nate2x..." he called me.

Opo. Nate2x ang tawag nya sa akin at dapat daw ay tawagin ko rin syang Vin2x dahil nga sa mag-bestfriends na kami.

I sigh.

"Yes?" ang sagot ko habang nakatutok sa screen.

"P-pwede b-bang...p-pwede mo bang hawakan ang kamay ko ha?" ang parang maiiyak na nyang sambit.

Nilingon ko naman sya at nakita kong nakatitig sa akin ang teary-eyed na mga mata nya.

"No" I said firmly.

"P-pero...n-natatakot talaga ako eh..." ang naiiyak parin nyang sabi.

"Ikaw ang may gustong manuod ng horror movie pero ikaw 'tong matatakutin?" ang tanong ko saka ibinalik ang mga mata ko sa screen.

Narinig ko naman ang pag-singhot nya at parang batang nagsalita.

"E-eh kasi...e-eh kasi...gusto ko lang naman i-test kung hanggang saan ang tapang ko...p-pero...pero hindi ko parin pala kayang manuod ng horror movie" ang naiiyak parin nyang sambit. "K-kasi...sa tuwing nanunuod ako ng horror movie...may naaalala akong nakakatakot na nangyari sa akin dati..."

KILLING VINCENT *Completed*Where stories live. Discover now