Killing #11

2.1K 150 18
                                    

Killing Vincent

Killing #11



Naging tahimik lang kami pareho habang naglalakad papasok ng condo unit nya.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang syang natahimik after naming mag-usap kanina. At sa totoo lang ay hanggang ngayon ay may nararamdaman parin akong uneasiness sa dibdib ko habang binubuksan nya ang unit nya.

Nang mabuksan nya yun ay nauna na syang pumasok sa loob at sinadya kong magpaiwan sa likuran nya.

Tahimik lang syang pumasok sa loob samantalang nanatili lang akong nakatitig sa likuran nya.

"Nate-nate bakit ba tayo umuwi ha?" ang tanong nya sa akin habang nakatalikod sya sa akin.

Pero hindi ako sumagot.

Nanatili lang akong nakatayo sa likuran nya.

I'm sorry Vincent.

Pero kailangan kong gawin 'to.

Alam kong kapag si Nathan ang gumawa nito ay maaaring pahirapan ka pa nya kaya mas mabuting ako nalang ang tumapos ng buhay mo.

At isa pa...

Tahimik kong binuksan ang sling bag na nakasabit sa kanang balikat ko at dahan-dahang kinuha doon ang baril na nasa loob nun.

"Woah!!! Ang ganda ng langit ngayon Nate-nate oh!" ang masayang bulalas nya saka sya nagtatakbo sa may terrace na nanduon at tinignan ang langit.

...ay ito ang sinumpaan kong tungkulin at kapag nagawa ko 'to ay makukuha ko na ang kalayaan na simula pagkabata ay gusto ko ng makamit.

Gusto ko lang mabuhay ng normal.

Gusto ko ng makawala sa maduming trabahong ito.

I don't want to become the Montague's dog anymore.

I want to live.

I want to be free from all of this.

Pero alam kong ang kapalit nun ay ang pagpatay sa lalaking nasa harapan ko ngayon at masayang nakatingin sa langit.

In order to get my freedom I need to kill this man.

Dahan-dahan kong itinaas ang baril na hawak ko at itinutok yun sa likuran nya.

"Wow!!! Ang daming ibon!" ang masayang sigaw nya habang nakalagay ang kamay nya sa itaas ng noo nya at nakatingin sa langit. "Teka, uwak ba yun?"

Samantalang nanatili lang na nakataas ang hawak kong baril at nakatutok lang sa bandang ulo nya.

Yes.

I'll make this easy and fast.

I'll make his death easy and less painful.

Pero bakit...

"Oh! Oh! Wow! Uwak nga!" ang excited nyang sigaw at hindi parin sya lumilingon sa akin.

...bakit nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa baril ko?

Bakit nanlalamig ako mula sa kinatatayuan ko?

Bakit sobrang hapdi ng dibdib ko ngayon habang nakatitig sa likuran nya?

At bakit...sumasakit ang sulok ng mga mata ko?

Ano 'tong nararamdaman ko?

Ito ang unang beses...na naramdaman ko ang bagay na 'to kaya hindi ko alam kung ano to.

KILLING VINCENT *Completed*Where stories live. Discover now