Chapter 1

92.1K 1.4K 303
                                    

Kung siguro makikita ko ang sarili ko, malamang matatawa ako. I mean, seryoso? Alam ko naman na may bagyo ngayon pero ni wala man lang akong dalang payong! Hindi ko alam kung saan ko naiwan iyong utak ko. Sobrang kalat ko lately. Hindi ako makakain ng maayos, hindi ako makatulog. Palagi akong nakatitig sa kawalan. If not for my friends, hindi ko alam kung saan ang aabutin ko.

Kainis naman kasi na nilalang 'yun! Pilit mo na ngang iniiwasan, mas lalo namang nagsusumiksik sa buhay mo! Minsan nga gusto ko na lang magdala ng isang malaking signage na may nakalagay na 'Back off, Sandoval!' Sana with red and bold letters pa para feel na feel niya talaga!

Dahil sa sobrang pag-iwas ko sa kanya, na-late na ako ng uwi. Feeling ko talaga malapit na akong maging ninja dahil sa kanya. Lahat yata ng pasikut-sikot sa school alam ko dahil sa pag-iwas ko sa kanya. Friends na nga rin kami ni Manong Janitor dahil palagi akong napapatambay sa janitor's room kapag hinahanap ako nung lalaki na 'yun para kausapin. Grabe lang talaga siya! Hindi talaga maka-gets ang tao na iyon!

So ayan tuloy, dahil late na akong makakauwi, naabutan ako ng ulan. Inilahad ko iyong palad ko at tahimik na pinagmasdan iyong bawat pagpatak ng ulan. Nakakainis. Hindi ko na dapat siya naaalala pero itong pasaway kong utak, hindi nakikinig. Minsan naiisip ko kung nabili na ba niya ang utak at puso ko, e. Palagi na lang siya ang iniisip! Pasaway!

Kahit ano'ng deny ko, wala, e. Napangiti pa rin ako nung maramdaman ko sa palad ko ang patak ng ulan.

It was the same time this year, I think. Malakas din 'yung ulan nun-madilim at malungkot ang kalangitan. Mag-isa ako sa waiting shed. Wala pa kasi akong friends. Ang gaganda naman kasi ng tao sa school na nalipatan ko... Medyo na-diskumpyansa tuloy ako sa sarili ko. Feeling ko kasi ang perfect nila, e. Tapos ako may pimples at red bumps pa nun... Nahirapan tuloy akong maghanap ng friends kasi sobrang baba ng self-esteem ko. Pero ang galing lang, noh? Kasi mula sa walang kaibigan, ang dami ko na ngayon. Nakakatuwa lang talaga dahil ang bilis magbago ng panahon.

"Ang lakas ng ulan, ano? Too bad we don't have umbrellas," he said. Agad akong napatingin sa kanya. Boses niya palang, nabihag niya na ako. Pero nung makita ko pa siya? Grabe, hindi ko na alam kung saan napunta iyong puso ko!

Mabuti na lang at hindi siya na-weirduhan sa akin dahil pakiramdam ko, nakatitig talaga ako sa kanya!

Lord, ito na ba?! Ito na ba 'yung pabuya mo sa akin dahil naging mabait akong bata?!

'Tumigil ka nga dyan, Patricia!' I chastised myself but I can't get my eyes off of him. Ito ba 'yung tinatawag nila na love at first sight? Kasi kung hindi pa ito 'yun, hindi ko na alam kung ano ang itatawag ko dito!

Mas lalo pa yatang lumala iyong pagwawala ng mga insekto sa tiyan ko nung suklayin ng daliri niya iyong medyo basa niyang buhok dahil sa ulan. Hindi ko na maalala. Sa tingin ko biglang nagverbalize iyong mga naiisip ko kaya naman napatingin siya sa akin.

'Parang timang, Pat!' Pagkausap ko na naman sa sarili ko. Kanina nung hindi niya ako tinitignan, grabe kung makatitig ako sa kanya! Ngayon naman na nasa akin na ang atensyon niya, kulang na lang maging kambal kami ng kamatis sa sobrang pamumula ng mukha ko!

I forced a smile kahit na sa totoo lang ay kinakabahan ako sa presensya niya. Ang lakas kasi ng dating niya. Talo niya pa 'yung lakas ng ulan!

"Unfortunately, we don't" sabi ko. Pinipilit ko na 'wag manginig ang boses ko kahit na kabado talaga ako. Grabe, Pat, ha! 'Wag masyadong maarte, hindi bagay! "And I don't see any public vehicles passing," pagpapatuloy ko pa.

But truly? Nagpapasalamat ako na walang dumadaan na sasakyan! Mas matagal pa kaming magkakausap. Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan niya; basta alam ko na pareho kami ng school dahil sa ID lace na suot niya.

Face To FaceWhere stories live. Discover now