Chapter 4

14.4K 294 155
                                    

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sarili ko nang dahil sa nalaman ko ngayong umaga.

Kalat na pala sa buong school ang mga names of candidates para sa mga tatakbo sa susunod na election sa school namin.

And to make it more interesting, kami lang pala ni Pat ang tatakbo sa position ng President. Hindi naman sa natutuwa ako na dalawa lang kami at wala ng iba pang makakalaban. Ang ikinakatuwa ko ay 'yung possible na reaction ni Pat ngayon.

I'm sure, she already knows about it. Hindi ako nagkakamali na inis na inis na siya sa akin ngayon at gustong-gusto na akong makausap kung anong plano ko. Kung bakit ako biglang tumakbo sa election and such. Alam kong maya-maya lang makikita ko na si Pat saka bigla na akong kakausapin at magkakaliwanagan na kaming dalawa.

Ito lang naman ang habol ko sa election, e. 'Yung makausap ko si Pat. Hindi ko naman seseryosohin 'tong election stuff na 'to dahil ang main goal ko lang naman ay makuha ang atensyon ng babaeng pinakamamahal ko. Alam kong maya-maya lang, makikita ko na si Pat at magkakausap na nga kami. Hindi ko tuloy maialis ang ngiti sa sarili kong labi.

Habang naglalakad ako biglang may dalawang babaeng humarang sa harapan ko. I stopped and gave them an awkward smile.

"Oh my God, Kurt Sandoval. Is it really true that you're running for president?"

One of the girls whose name I don't know spoke. I could even tell that she's too happy that I am running for the position of president.

I nodded, "Yes," I said politely but confused.

"WOW!!" tuwang-tuwang sagot nilang dalawa. They even did a high-five infront of me. Weird.

"So," the other girl spoke "What's your agenda? I mean, what's your platform?"

Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Ano raw ang plataporma ko?

Seriously, I don't know. Hindi ko 'yan naiisip. Hindi ko alam na kailangan ko nga pala ng plataporma dahil si Pat lang ang laman ng utak ko nang nag-sign ako ng form for the election.

"Secret," I said "Just wait for it." I added and winked at them.

Nagtilian na naman silang dalawa dahil sa sinabi ko. Bago pa sila muling makapagtanong, nagpaalam na agad ako na aalis na at sinabing may importante pa akong gagawin. Geez. They made me nervous.

"What's my platform?" I talked to myself while walking "Pwede ko bang sabihin na ang plataporma ko 'e 'yung bawiin ang puso ng babaeng mahal ko? 'Yun lang naman ang main goal ko, e."

Napapatingin sa akin 'yung mga schoolmates kong nadadaanan ko. 'Yung iba sa kanila sinasabi pang i-expect ko raw ang suporta nila. 'Yung iba pa tinatawag na akong President dahil sure win daw ang pagkapanalo ko sa dami ko raw fangirls sa school. Ngitian ko nalang sila.

Ughh. Nasaan na ba si Pat? Bakit hindi pa niya ako pinupuntahan ngayon? Hindi ba dapat kanina niya pa ako kinausap? Pero bakit wala pa rin siya? Wala tuloy akong ibang choice kundi ako na ang maghanap sa kanya. Right. Ako nalang ang hahanap sa kanya.

Luckily, pagliko ko sa hallway nakita ko na agad si Pat. Pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya 'yung Vince na campaign manager niya. These past few days talaga palagi niya 'yang kasama. Hindi ko alam kung tungkol lang ba talaga sa election ang pinag-uusapan nila o higit pa.

My eyebrows furrowed when I saw Vince's hand on Pat's shoulder. I can't stand seeing Patricia touched by other guys. She's mine and there's no way I could allow that.

Agad akong lumapit sa kanila and faked a cough. Nang mapansin ako ni Vince agad niyang tinanggal ang kamay niyang nakapatong sa balikat ni Pat.

Good. You must know where you stand. I'm not being territorial here. I'm just protecting my precious Patricia.

Face To FaceWhere stories live. Discover now