Chapter 9

7.3K 190 50
                                    

Kinakabahan ako! Nagprepare naman ako ng mga points for rebuttal sa magiging debate ngayon pero hindi pa rin ako mapakali! Siguro kung iba ang makakaharap ko, hindi ako kakabahan ng ganito. But the thought of having to debate with Kurt was making me utterly nervous. Para akong nahihilo na hindi ko maintindihan!

"You can do this," sabi sa akin ni Vince. I smiled at him. Sana kaya ko rin na maging sobrang chill kagaya niya. Sana mayroon akong turn off switch para sa nerves ko. Pero wala, e. Kaya matitiis ako ngayon sa sobrang kaba na bumabalot sa buong sistema ko. "Chill lang, okay? You got this."

Iniwan na ako ni Vince para pumunta sa pwesto niya. Pinagsalop ko ang mga kamay ko bago ako huminga ng malalim.

Nung pumunta na si Ate Julia sa gitna ng stage, mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko. Akalain mo na may ilalakas pa pala iyon!

Bumati muna si Ate Julia sa mga estudyante. Sobrang kinakabahan na talaga ako! Pero may parte rin sa akin na gusto ng magsimula ito. I just wanted to finally get this done and over with. Tapusin na para wala ng problema! Ate Julia looked at both Kurt and I bago siya nagsalita. "Let's start with," she said tapos biglang tumingin si Ate Julia sa akin. "Mr. Kurt Sandoval," sabi niya tapos biglang naghiyawan 'yung mga students.

Akala ko ako na talaga! Muntik na akong atakihin sa puso!

Nung pumunta si Kurt sa podium, nakakabinging sigawan ang narinig ko. Mas lalong dumoble ang kaba ko. Mas nagsink in lang sa akin na si Kurt ang makakaharap ko ngayon. Iyon ngang simpleng pag-uusap lang namin ay para na akong hihimatayin... paano pa kaya itong debate?

Pinatahimik ni Ate Julia ang mga estudyante. Okay, Pat. Kaya mo 'yan. Tiwala lang sa sarili, okay?

Bago magsalita si Kurt, tinignan niya ako ng saglit. My heart skipped a beat. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Kapag ako ang binoto niyo, ipinapangako kong aalagaan ko kayong lahat." Nagsigawan ang mga tao sa gymnasium lalo na iyong mga babae. "Aalagaan ko kayong lahat at ipapangako kong hindi kayo madi-disappoint sa akin sa pagiging president. Ako 'yung taong marunong tumupad sa pangako." Tinignan niya ako habang sinasabi niya iyon. Pinapatamaan niya ba ako? Ano'ng pangako ang sinasabi niya? As far as I am concerned, wala naman siyang pangako na tinupad sa akin! "At, makakaasa kayong hindi ko kayo iiwan sa ere."

Aba't! Nananadya talaga 'tong tao na 'to, ah!

Naghiyawan na naman 'yung mga estudyante. Hindi 'to pwede. Ako pa ang nagmumukhang masama sa harap nila? Pagkatapos niya akong saktan, not once but twice, ako pa ang magmumukhang kontradiba? Aba, hindi pwede 'to!

"Really, Kurt Sandoval, really?" I said. I was barely keeping it together. Inis na inis na ako, pagod na pagod pa ako. This combination wasn't really promising anything good. Pakiramdam ko isa akong bomba na anytime ay sasabog. I can't explain what exactly I was feeling but I was pretty sure it was close to being really pissed.

I calmed myself down-I tried. Nasa harapan ako ng maraming tao kaya naman sinubukan ko na pakalmahin ang boses ko. It was hard, really. All these pent up emotions waiting to explode. Lahat ng inis at galit na nararamdaman ko para kay Kurt ay nagbabadya ng sumabog. So through gritted teeth, I said, "Nangangako ka sa harapan ng napakaraming students na nasa harapan natin? Paano mo nagagawa 'yan? Paano mo nagagawang mangako kung 'yung simpleng pangako mo sa isang tao ay 'di mo natutupad?" I looked at the students. "Hindi dapat kayo magpapadala sa isang pangako ng isang tao diyan. Masasaktan lang kayo sa huli. I believe and trust you, my fellow students. May trust ako sa inyo kaya alam kong 'di kayo magpapauto sa mga matatamis na salita ng isa diyan."

Pagkatapos kong magsalita, tumingin ako kay Kurt. He was looking at me like what I said was unbelievable. Well, news flash! I can't believe him, as well! Ako ang nasaktan niya, ako ang dapat nagagalit! Siya itong nanakit pero kung umakto siya akala mo siya ang naagrabyado!

Face To FaceWhere stories live. Discover now