Chapter 8

8.3K 174 124
                                    

"Ano bang pakialam mo? Tigilan mo na nga ako!"

Pat's words echoed inside my head for the nth time. Para itong sirang plaka na paulit-ulit na tumutugtog sa utak ko ngayong araw. Kahit anong pilit kong kalimutan 'yung isinagot niya sa akin kahapon nang sundan ko siya sa loob ng girls' comfort room, hindi ko pa rin magawa. Palagi itong umuulit sa utak ko. Parang si Pat lang. Consistent ang pag-iwas sa akin sa 'di ko alam na dahilan.

Ano bang pakialam mo? I smiled bitterly. Natural, may pakialam ako sa kanya. She's the girl I truly love-the girl who holds the biggest part of my heart. Siya ang babaeng pinakamamahal ko. Gusto ko lang sabihin sa kanya na kahit may mga tumubong pimples na naman sa mukha niya, hindi pa rin nawawala ang ganda niya. Na siya pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko.

But she didn't get my point. Instead, she glared at me and stomped out of the comfort room. Parang mas nadagdagan pa iyung galit na nararamdaman niya dahil lamang sa papuri na ibinigay ko sa kanya. Lahat nalang talaga ng ginagawa at sinasabi ko, kinakagalit niya.

Tigilan mo na nga ako! I shook my head. That's the last thing I would do for you, Pat. Hindi kita maaaring tigilan dahil lang sa galit mo sa akin. Hindi kita pwedeng tigilan dahil nanghihinayang ako sa mga masasaya nating mga alaala. Hindi kita pwedeng tigilan dahil mahal kita. Mahal na mahal.

Gagawin ko ang lahat para magkaayos tayong dalawa. Kahit na kailanganin ko pang akyatin ang ilang matatarik na bundok o languyin ang Pacific Ocean o sabay ko pa iyung gawin para lang magkaayos tayo.

Hindi ko alam kung paano ako aakyat ng bundok at lalangoy nang sabay pero bahala na si Batman. Si Batman nalang ang mamoblema kung papaano ko gagawin iyun kahit na pinoproblema pa rin ng sambayanan kung bakit nauna niyang isuot ang pants niya kaysa sa brief niya.

I let out a sigh again. Ang aga-aga pa pero problemado na naman ako. Kailan ba ako nawalan ng problema? E, naging ganito lang naman ako nang dahil kay Pat.

'Nung pumasok ako kanina hindi ko hinahanap si Pat para makausap. Hindi ko siya kinulit. Hindi ako nagpakita. Siguro, hahayaan ko muna siya ngayong araw. Bibigyan ko siya ng oras para naman kahit papaano 'e ma-miss niya ang presensya ko.

At ma-miss niya ang kaguwapuhan ko.

At baka kapag na-miss niya ako't ang kaguwapuhan ko, siya na ang kusang lumapit sa akin para makipag-usap.

Pansin ko rin kasi these past few days naging makulit ako kay Pat. Naging parang aso na palaging nakasunod at nakabuntot sa kanya. Kung ilalagay ko ang posisyon ko sa posisyon niya, malamang masasakal din ako sa paulit-ulit kong pangungulit. Hay. Gusto ko lang naman siya makausap.

Dumating ang lunch break pero hindi pa rin ako nagpakita kay Pat. Kahit kating-kati na akong makita siya at muling makausap hindi ko ginawa. Instead, pumunta agad ako ng next class ko nang makabili ako ng pagkain sa canteen.

Kailangan ko muna pakainin ang nagugutom kong tiyan. Saka na ang nagugutom kong puso sa pagmamahal ni Pat. Aruy, Kurt. Gutom ka na talaga.

Mabilis na natapos ang afternoon class ko kaya agad na akong dumiretso sa council room for our daily meeting. Bago pa ako pumasok sa loob ng council room napahugot pa ako ng malalim na buntong hininga. Itong oras na'to ko lang unang beses na makikita si Pat ngayong araw. Halu-halong emotions tuloy bigla ang naramdaman ko. I'm too nervous and...sad.

But to my disappointment, wala pa si Pat sa loob. Wala pa siya sa upuang palagi niyang inuupuan sa tuwing may meeting kami. Napailing nalang ako at naglakad na papunta sa likuran. Siguro may klase pa si Pat. May natitira pa namang oras bago magsimula ang meeting namin.

Face To FaceWhere stories live. Discover now