Chapter 6

9.1K 186 60
                                    

Hindi ko talaga alam kung sadyang nananadiya lang ba talaga ang tadhana, o sadyang sinusubukan lang talaga niyang campaign manager ni Pat na si Vince ang pasensiya ko. Malapit na talaga akong mainis diyan, ah. Malapit na talagang maubos ang pasensiya ko sa kanya. And I'm sure, one of these days, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko't kukomprontahin ko na iyang si Vince.

Paano ba naman ako hindi maiinis sa kanya kung itong mga nakalipas na araw 'e palagi niyang kasama si Pat. I get it. Siya ang campaign manager ni Pat. Tinutulungan niya si Pat for election stuff. Pero kailangan bang sa tuwing hahanapin ko si Pat para muling kulitin at makausap, palagi ring nandun si Vince?

Tapos ang nakakainis pa ay 'yung makikita ko silang dalawa 'e palaging nakangiti si Pat na parang ang saya-saya niya habang kasama si Vince. Samantalang ako naman, nakatingin lang sa kanilang dalawa na para bang niluluto na sa kalungkutan ang sarili.

It pissed me off. Naiinis ako sa ideyang may ibang lalaking nagpapangiti kay Pat ng ganun. Dapat ako 'yun, e. Dapat ako 'yung nagpapangiti sa kanya nang ganun at hindi 'yung Vince na 'yun. Dapat ako ang palagi niyang kausap. Dapat ako ang nagpapatawa sa kanya. Dapat ako 'yung nasa tabi niya at hindi si Vince. Puro nalang dapat.

Ang labo ng sitwasyon namin ni Pat. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung ako pa rin ba ang mahal niya at kung meron pa ba akong pinanghahawakan na posisyon sa puso niya. Para kasing sa nangyayare ngayon ay para na kaming unti-unting nagkakalayo sa isa't isa.

I smiled bitterly. Si Pat nga lang pala ang unti-unting lumalayo sa akin. Habang ako naman ay paulit-ulit lang siyang hinahabol. Paulit-ulit sa paghabol kahit wala naman akong ideya kung hihinto ba siya para sa akin o talagang pinanindigan na niya ang paglayo.

Katulad nalang kaninang pag pasok ko. Instead na dumiretso agad ako sa klase ko, hindi, 'e. Si Pat agad ang hinahanap ko. Pero 'nung nahanap ko naman siya kausap na naman niya si Vince sa hallway. Mukhang 'di pa nga siya nakakapasok sa first subject nya.

Sa bawat araw talaga na ginagawa ng Diyos unti-unti nang lumalabo ang sitwasyon naming dalawa.

"Class dismissed," pag anunsiyo 'nung teacher namin.

Napabuntong hininga nalang ako nang umalis na ng classroom ang teacher namin.

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na tapos na pala ang subject ko. Kahapon pa ako ganito. Pre-occupied palagi sa klase. Palaging si Pat ang iniisip. Palaging iniisip kung meron bang namamagitan sa kanila nung Vince aside sa pagiging campaign manager nito.

Mabuti na lang hindi ako napapansin ng mga teachers ko sa pagiging tulala ko sa mga klase nila. Hay, buhay. Ang gulo-gulo na nga ng utak ko. Ang gulo-gulo pa namin dalawa ni Pat. Kailan ba kami babalik sa dati? Kailan ba namin maaayos 'tong 'di namin pagkakaintindihan?

Kinuha ko na 'yung bag ko at mabilis na lumabas ng classroom. Babalik na naman ako sa paghahanap kay Pat. Sana lang this time hindi na niya kasama 'yung Vince na 'yun. Sana naman mag-isa nalang siya ngayon para naman muli ko siyang makausap.

Puro na lang ako sana pero nabibigo naman. Kasi 'di pa ako nakakalayo sa classroom ko, nakita ko na agad si Patricia at Vince na magkasama na naman.

Nakaupo silang dalawa sa bench sa ilalim ng isang puno. Mukhang may kinukwento 'yung Vince kaya tawa na naman ng tawa si Pat. May pinagsasaluhan pa silang pagkain. Para silang happy couple.

Napatitig ako sa kanila ng ilang segundo saka na tumalikod. I can't stand seeing them happy. All the more, I can't stand feeling my heart slowly breaking into a million pieces.

Muli ko silang nilingon saka na ulit tumalikod. Naglakad na lang ako nang naglakad palayo kahit hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Bahala na kung saan makarating. Basta hindi ko sila makikitang dalawa. Basta hindi mababasag pansamantala 'tong puso ko sa pagiging masaya nila sa isa't isa.

Face To FaceWhere stories live. Discover now