Chapter 10

11.5K 222 77
                                    

Nananatili ako sa kinauupuan ko sa harapan ng stage habang nagpapatuloy 'yung debate sa pagitan ng mga tumatakbong councilors. Bakas na bakas sa mga mukha nila 'yung enjoyment. Ngumingiti sila't tumatawa habang nagsasalita sa harapan. Halatang enjoy na enjoy sila sa bawat sandaling lumilipas ng meeting de avance na 'to.

Sana kaya ko rin maging masaya. Sana kaya ko ring ngumiti. Sana kaya ko ring tumawa ngayon. Sana kaya ko ring mag enjoy tulad nang ginagawa nila.

Kaso papaano ako magiging masaya kung may nangyaring pagsasagutan sa aming dalawa ni Pat kani-kanina lang? Paano ko magagawang ngumiti kung sa bawat pagpikit na ginagawa ko 'e nakikita ko 'yung mga mata ni Pat kanina na punong-puno ng hinanakit? Paano ko magagawang tumawa kung sa bawat segundong lumilipas 'e naaalala kong nasasaktan si Pat nang dahil sa akin?

Gusto ko sanang sundan si Pat kanina nang mag walk-out siya palabas ng gymnasium. Gusto ko sana siyang makausap. 'Yung kaming dalawa lang. 'Yung walang ibang tao sa paligid namin. Gusto kong malaman 'yung puno't dulo kung bakit siya nagagalit sa akin. Or, why she was hurting... and what part I played in her hurting... Gusto kong maliwanagan sa lahat nang nangyayari. Kasi, sa totoo lang, wala akong maintindihan.

Ang tangi ko lang alam ngayon ay ako ang dahilan kung bakit may hinanakit siya sa mga mata. At kung bakit siya nasasaktan ng ganito kagrabe ngayon. Ako lahat ang may dahilan 'nun.

Pero bago pa ako makaalis ng stage, agad na akong naharang ni Ate Julia. Pinakiusapan niya akong mag-stay hanggang matapos ang meeting de avance. Kung ano ba raw ang hindi namin pagkakaunawaan ni Pat, huwag daw namin idamay 'yung event. Maging professional daw sana ako.

Wala na akong ibang choice kundi mag-stay. Tama naman din si Ate Julia. Pati itong election 'e nadadamay sa sa pagkakalabuan namin ni Pat. Nag stay nalang ako at hinintay na matapos ang meeting de avance. Sa ganitong paraan maiisip ko 'yung mga angkop na salitang sasabihin ko kay Pat mamaya. Mga salitang matagal ko na dapat sinabi sa kanya.

I let out a sign when I felt my heart was slowly breaking into pieces again. Hindi ko alam na capable pala ang puso ng isang tao na paulit-ulit mawasak at madurog. At mas hindi ako aware na kahit nawawasak na ito't nadudurog, may kakayahan pa rin ang puso ng isang tao na magmahal ng sobra.

I closed my eyes. Biglang pumasok sa isipan ko 'yung mga alaala naming dalawa ni Pat. 'Yung una naming pagkakilala noon sa waiting shed nang minsang umulan ng malakas. That was the first time that she caught my attention and I thought that she was an angel sent from heaven.

'Yung first dance namin 'nung acquaintance party. The first time I held her hands that lasted for a minute but it seemed like forever. Because up to this day, I could still feel the warmth of her hands against mine.

'Yung nanonood kami ng meteor shower. Nakatingala siya 'nun sa kalangitan habang pinapanood 'yung pag-ulan ng mga bituin. Sabi niya sa sarili niya ang ganda raw and I agreed with her while looking at her face. Tama nga siya. Ang ganda. Pero para sa akin, mas maganda siya. Mas maganda pa rin siya kaysa sa mga bulalakaw na pinapaulan ng madilim na kalangitan.

'Yung bawat ngiti at tawa ni Pat sa akin. Para iyung napakagandang musika sa tainga ko na kahit segu-segundo kong ulit-ulitin 'e hindi ako magsasawa sa tawa niya.

'Yung mga kwento niya. Palaging tumitibok nang mabilis ang puso ko kapag kinukwentuhan niya ako ng kung anu-ano lang. I don't know why. Maybe my heart always wants to hear her angelic voice.

Lahat-lahat ng masasaya naming sandali biglang nag flashback sa utak ko. Sana may abilidad ako na muling balikan ang mga iyun. Pero nabubuhay ako sa realidad-realidad na hindi mo maaaring ulitin ang isang pangyayari dahil lamang gusto mong muling maranasan ito.

Face To FaceWhere stories live. Discover now