Chapter 7

8.4K 185 34
                                    

Inaalala mo ba 'yang mga pimples mo? Ayos lang naman, ah? Maganda ka pa rin sa paningin ko.

Ugh! Hindi na talaga naalis sa isip ko iyang sinabi ni Kurt! Bakit ba kasi kailangan niya pa akong sundan sa CR? Wala na ba talaga siyang konsepto ng personal space na ultimo sa CR e nagagawa niya akong sundan?! At ang nakakainis pa e pati siya napansin ang pimples ko!

Maganda ako?! Hah! Sabihin niya 'yan sa mga babae na kanina pa kumakausap sa kanya! For sure naman e tuwang-tuwa si Kurt dahil ang daming babae na nagkakandarapa para lang makausap siya! Hindi ko naman sila masisisi, e. Syempre siya si Kurt Sandoval. Kahit naman ako nung una ko siyang makausap e nagmistula akong kamatis sa sobrang pula ko. Kurt Sandoval effect nga naman, oh!

"Girl, okay ka lang?"

I nodded and smiled. Okay lang ako, noh! Katunayan, masaya nga ako kasi sinabi sa akin nila Mama na proud sila dahil lalaban ako sa election. Sa sobrang saya nila, dadagdagan daw nila 'yung allowance ko! Iniisip ko nga na ayain sina Trixie sa mall mamaya para makapagrelax naman kami. Gusto ko ng bagong damit—kahit ano basta cute!

At gusto kong kumain ng matamis na pagkain! Ang dami kong gustong gawin, grabe!

"Mall tayo mamaya?" aya sa akin ni Trixie.

"Sa weekend na lang? Medyo busy sa campaign," sagot ko. Nako, makikita ko na naman si Kurt mamaya! Stress-overload na naman ito, for sure!

Nagshrug sina Kylie at Trixie. Nagkwento na lang sila sa nakita nila kahapon na cute na dress sa isang shop.

"Ang daya. Nagseselos na ako. Akala ko ba trio tayo? BFF, 'di ba?"

Tinawanan nila akong dalawa. "Nako, ikaw nga ang busy palagi, e!" sabi ni Trixie. "Baka kapag president ka na, makalimutan mo na kami! 'Di ka na ma-reach, friend!"

I pouted. "Sus. As if naman! Alam niyo naman na kayo ang BFF ko! Miss na miss ko na nga kayo kaya aayain ko kayo na mag-mall kapag tapos na lahat ng stress ko sa election na 'to," I said. "Tignan mo, oh? Nagsisilabasan na naman ang mga best friend ko! Nung una, isa lang 'yan pero nalungkot ata kaya nagtawag ng iba pang friends," natatawang sabi ko. Tinatry ko na tawanan na lang itong stress ko.

May kinuha si Kylie sa bag niya at inabot sa akin. "Thanks!" sabi ko. Girl scout talaga 'yun! May dala na Eskinol at bulak sa school, e!

Habang naglalagay ako sa mukha, kinausap ako ni Kylie. Aba naman. Hindi talaga natatapos ang araw na 'to na hindi napapasok si Kurt usapan! Consistent! "Si Kurt na naman 'yan, noh?" Kylie said. Agad naman ako na umiling.

"Please lang, noh. Hindi naman siya ang laging nasa isip ko."

Wrong. Palagi siyang nasa isip ko. Dinaig niya pa ang mga convenience store dahil 24/7 talaga ang peg ng pagstay niya. Walang alisan.

"Sus," sabay nilang sabing dalawa. Ganun ba ako ka-obvious?

Ipinatong ni Kylie iyong kamay niya sa may baba niya. "Usually, chill ka lang naman na tao, Pat. Pero kapag si Kurt ang usapan?" sabi niya and then she threw her hands up in the air. "Grabe, wild! Parang lahat ng emotions sa katawan mo nagdecide na magmanifest!"

"Uy ang OA niyo naman!"

Surely hindi naman ako ganyan! Nagrereact din naman ako sa ibang bagay maliban kay Kurt! Katulad ng nung tinanggal nila iyong pasta section sa canteen, nagreact kaya ako nun! Kaya hindi totoo ang sinasabi nila Trixie at Kylie na kapag si Kurt ang usapan at saka lang ako nagkakareaction!

Tinawanan lang ako nitong dalawa kong kaibigan. Nako, kung hindi ko lang sila mahal, magwawalkout na talaga ako!

"Ano na naman ba ang ginawa ni Kurt kaya kunot ang noo mo ngayon?" tanong ni Kylie. For sure naman sawa na sila na pakinggan ako sa mga reklamo ko tungkol kay Kurt pero dahil sobrang thoughtful at understanding nila, tinatanong pa rin nila ako.

Face To FaceWhere stories live. Discover now