Chapter 5

10.8K 244 79
                                    

"Oh, umagang-umaga magkasalubong na naman 'yang kilay mo," Kylie pointed out. Nandito kami sa room ngayon. Masyado pa yatang maaga dahil halos wala pang mga estudyante sa classroom. Nagdecide kasi ako na pumasok ng maaga dahil nasstress ako sa bahay. Wala akong makausap doon dahil maaga ring pumapasok sa work sina Mama at Papa. Salamin ang kaharap ko at mas nadadagdagan lang ang stress ko kapag nakikita ko ang mga munti kong kaibigan na nagdecide na apparently, masayang bumalik sa mukha ko! Seriously? Wala pang one year nung nagdecide kaming maghiwalay tapos bumalik na naman ang mga pimples na ito! Grabe talaga! Clingy nila masyado!

Itinuro ko ang mukha ko.

"Ayan na naman sila," sabi ko.

"Eskinol lang sagot dyan, girl," sabi sa akin ni Kylie. "Tsaka mag headband ka kaya para hindi ma-iritate nung hair mo 'yung pimples?" sabi niya pa tapos iniabot sa akin 'yung pink na headband niya.

"Thanks," sabi ko habang isinuot iyon. Inabutan din ako ni Trixie ng salamin kaya chineck ko kung bagay ba sa akin. "Ang hilig mo talaga sa pink, noh?" I told her.

She nodded and smiled. "Ang cute kasi! Tsaka bagay sa akin 'yung color," sagot naman niya. "May bazaar sa Saturday, gusto mong pumunta tayo? Miss ka na kasi namin dahil palagi ka na lang busy sa campaign. Para bonding time nating girls!"

Tumango ako. "Sige, sige. Kailangan ko ring mag-unwind kasi sobrang stress na talaga ang inaabot ko sa election na 'to! Siguro maaalis ng cute dresses and accessories 'yung pagod na inabot ko sa mga nangyari these past few days!" sabi ko sabay napatingin na naman sa salamin. Ang dami talaga ng pimples ko, grabe na! Sana mawala na 'to by time ng meeting de avance kasi makakasira talaga 'to sa confidence ko.

Napansin yata nila Trixie na nakatitig ako sa pimples ko mula sa salamin.

"Eskinol nga, girl. For sure alis agad 'yan."

Napa-buntong hininga ako. "Ubos na kasi... Tapos wala pa akong time bumili kasi busy ako sa election. Tapos iyang si Kurt pa walang ibang ginawa kung hindi ang guluhin ako! Grabe lang, I really can't have a break!" sunud-sunod na sabi ko. Tinapik lang ni Trixie at Kylie ang balikat ko.

"Oo nga, girl. Masyado kang busy sa election. Sige, kami na lang ni Trixie ang dadaan sa pharmacy later. Don't worry, for sure bukas wala na 'yang little friends mo," Kylie assured me.

"Thanks, girl! Life saver ka!"

"Okay lang, noh. At saka don't stress too much. Alam naman sa school na matalino ka and responsible kaya sure kami na malakas ang laban mo," she said.

Kung ganon nga lang sana kadali, hindi ako kakabahan ng ganito. But I know Kurt... Kapag gusto niya, kukuhanin niya. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang mangyari at sumali siya sa elections kahit na sure naman ako na wala siyang interes sa politics... O baka naman meron na? Two months din na hindi kami nag-usap noon... Ang daming pwedeng mangyari... Baka naman nagbago na siya?

The mere thought of Kurt changing clenched my heart.

But what do I care? Wala na nga kami, 'di ba? Gosh! I really contradict myself whenever Kurt's involved! Napaka-game changer talaga ng tao na 'yun!

"Madaming fan girl si Kurt," I said. Totoo naman. Madami ang female population sa school. At kung lahat ng iyon ay si Kurt ang iboboto, lagot na. Wala na talaga akong pag-asa.

"Hindi naman siguro dahil lang gwapo si Kurt ay siya na ang iboboto, hindi ba?" Trixie said. 'Pero matalino at mabait din si Kurt,' sabi ng utak ko. Pero kahit na! Wala naman talaga siyang interes sa politics kaya bakit siya lalaban? "Basta, kaya mo 'yan! Don't lose hope! Fight lang!"

Thankful talaga ako dahil nandyan ang mga friends ko. Kailangan ko talaga sila ngayon dahil sobrang stressed na ako sa mga nangyayari. Hindi bale, next week na naman ang election. One week to endure na lang naman ito. Manalo o matalo, tatanggapin ko na lang. Pero syempre sana manalo ako...

Face To FaceWhere stories live. Discover now