Chapter 2

25.9K 475 317
                                    

My next class was about to start in 10 minutes but it doesn't matter. Alam kong namumuro na ako sa teacher sa subject na 'yun dahil palagi nalang akong late sa subject niya. Pero hindi 'yun ang iniisip ko ngayon. Mas pinoproblema ko ang pakikitungo sa akin ni Pat. 'Yung panlalamig niya sakin.

Kahit palagi ko siyang sinusundan hindi niya pa rin ako kinakausap. I was clueless. Hindi ko maintindihan kung bakit lumamig ang pakikitungo niya sa akin. All of a sudden, she just stopped talking to me.

Araw-araw ko siyang sinusundan. Trying to have a decent conversation with her. Trying to catch-up. Pero sa tuwing ginagawa ko naman 'di naman ako nagtatagumpay. Hindi man lang siya humihinto o lumilingon para lang kausapin ako.

Pumasok na sila ng classroom nila kasama 'yung dalawa niyang kaibigan. Tatalikod na sana ako papunta sa classroom ko nang makita ko na naman si Patricia na lumabas. Papunta siya sa girls' comfort room.

Tumambay lang ako sa tapat ng girl's comfortroom para hintayin siya. Maya-maya pa lumabas na siya. Nakita niya ako alam ko. Pero hindi niya pa rin ako pinansin. She just ignored me as if I was just a fragment of her imagination that she wanted to completely block.

"Patricia naman," I called her name.

Pero balewala pa rin sa kanya 'yung pagtatawag ko sa pangalan niya. Mas lalo lang siyang nagmadaling maglakad para makaiwas sa akin. Todo iwas siya na parang may nakakahawa akong sakit.

Binilisan ko rin ang paglalakad ko para mahabol ko siya.

Bahala na kung ma-late na naman ako sa next subject ko. Ngayon, si Patricia muna ang aasikasuhin ko.

"Ano bang nagawa ko? Bakit hindi mo ako kinakausap?" nahihirapan ako sa pagsasalita habang nakasunod lang ako sa kanya sa paglalakad. Nasasaktan na talaga ako.

Mukhang wala pa rin siyang balak sumagot at kausapin ako dahil mas lalo lang niya binilisan 'yung paglalakad niya. Gusto kong mainis pero 'di ko dapat pairalin ang inis ko ngayon. Kaya ang ginawa ko humarang ako sa harapan niya. I blocked her way so she stopped walking.

By that, I caught her attention and finally, she looked at me. Well, she didn't look, it was more of a glare. She glared at me.

"Excuse me nga," she said, so pissed. Pero hindi ko siya pinadaan. Nanatili pa rin ako sa harapan niya. "Ano ba?" she added. She was so furious. "Sofia!" pagtawag niya habang nakatingin sa likuran ko.

Napatingin din ako sa tinitignan ni Pat and I saw a girl with a familiar face. Hindi ko alam kung saan ko nakita 'tong babae na tinawag ni Pat na Sofia? Parang kilala ko talaga siya, e.

"Hindi ba tawag ako ni Mrs. Ocampo?" pagtatanong ni Pat 'dun kay Sofia. Sofia nodded.

'Nung napatingin ako kay Sofia bigla siyang namula at biglang napaiwas ng tingin for unknown reason.

"Tell Mrs. Ocampo na papunta na...madedelay lang." dagdag pa ni Pat saka na umalis si Sofia na parang nagmamadaling maglakad palayo sa amin ni Pat.

'Nung nawala na si Sofia bigla kong hinarap si Patricia sa akin.

"Aba't!"

"Now, can we talk?" I emphasized the word "we". Gusto kong pag-usapan 'yung kami. Kung anong balak niya sa amin at palagi niya akong dinededma.

"Ano ba?" she said irritated.

"Talk to me," I pleaded.

Tumitig ako sa mga mata niya. I could even see the hurt and hate in her eyes. Mas lamang nga lang 'yung galit sa mga mata niya na sigurado akong para sa akin. At 'yung hurt na 'di ko alam kung saan niya nakuha.

Face To FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon