Chapter 3

17.2K 343 96
                                    

"What?!"

Medyo napapitlag sa akin si Trixie dahil sa reaksyon ko. Ito naman siguro ang matinong reaksyon kapag nalaman mo na iyong ex mo— scratch that dahil hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa akin kung ano kami ni Kurt. Friends? Ex friends? Ex boyfriend-girlfriend? Aba! Hindi talaga malinaw! Parang playing between the blurred lines ang peg ng relasyon naming dalawa! Pero ang mahalaga, seryoso ba siya?!

Lalabanan niya ako sa presidential candidacy?!

"Yes, girl... Akala ko naman alam mo na..." sabi sa akin ni Trixie. Nakonsensya naman ako dahil mukhang nabigla talaga siya sa outburst ko. Hindi ko naman siya masisi dahil pagdating talaga dyan kay Sandoval, heightened lahat ng feelings ko. Siya na talaga! Siya na talaga iyong kayang i-skyrocket ang emotions ko! He knew what buttons to push talaga, e.

"Sorry," sabi ko sa kanya. Tumango naman si Trixie at tinanggap ang apology ko. Wala si Kylie dahil may inaasikaso yata siya with Sofia. "Saan mo nalaman iyan?"

I could feel my blood slowly boiling. Ayaw niya talaga akong tantanan! Ano bang klaseng pagtataboy ang kailangan kong gawin para ma-gets niya talaga? No! Wala! Nada! Kaput! Naman, oh! Ano'ng lenggwahe ba ang dapat kong gamitin para makarating sa kanya ang message ko na wala na talaga?

"Dumaan ako sa faculty kanina tapos narinig ko lang 'yung mga teachers natin na pinag-uusapan na magiging interesting daw ang election this year."

Interesting? Baka depressing kamo. Ito na nga iyong gusto kong gawin para for once naman, ma-divert ang attention ko. Aminin ko man kasi o hindi, mahirap iwasan si Kurt—much more kalimutan. He's just everywhere. Hindi ako makatakas sa kanya. Ultimo hangin na hinihinga ko, ramdam na ramdam ko siya.

Kaya naman ito sanang eleksyon ang paraan ko para naman makalanghap ako ng hangin na Kurt-free. Pero hindi, e. Kahit dito balak niya akong sundan. Ganito ba niya ka-gusto na masira ang buong taon ko? Kasimula-simula pa lang kasi, sinisira na niya.

"Sigurado ka ba sa narinig mo?" I just had to ask twice. Hindi ko pa rin matanggap na kakalabanin niya ako.

Trixie nodded and it just confirmed my worst nightmare so far...

May oras pa naman bago matapos ang lunch break kaya naman pinuntahan ko muna si Vince—iyong campaign manager ko. Siya iyong isa sa mga naging kaibigan ko simula nung mawala si Kurt sa buhay ko. Parte siya ng post-Kurt life ko. Mas gusto ko na magstay na lang na ganoon para naman may parte ako ng buhay ko na walang bakas ng Kurt.

"Hi!" bati ko sa kanya. Liningon niya ako at saka ngumiti.

Bagay talaga si Vince bilang campaign manager ko dahil siya mismo, ang ganda ng image niya sa school. Sobrang good boy image siya at saka malinis din ang record niya. Feeling ko nga hindi siya marunong gumawa ng kalokohan, e. Sobrang bait niya talaga!

"Morning!" bati niya sa akin. "May maipaglilingkod ba ako sa future SG president ng school?" he said and then teased me.

"Hindi pa nga nananalo," I answered with a blush.

He showed me that nice smile of his. "Sure win na 'yan. Ako kaya ang manager mo," he playfully said and nudged me. "Nga pala, may kailangan ka ba sa akin?"

I showed him a pained look. "Grabe, pinupuntahan lang ba kita kapag may kailangan ako?" I kidded and then laughed. He laughed along, too. "Pero anyway, may gusto lang akong itanong..." I trailed. Hindi ko alam kung paano sisimulan at kung saan sisimulan.

Kung gusto akong kalabanin ni Kurt, e 'di fine. Game on.

"Sino ang mga nag sign up para sa presidential candidacy?"

Face To FaceWhere stories live. Discover now