King Brothers - 4

20.3K 805 16
                                    

Nasa stadium na kami ngayon kung saan gaganapin yung laro nila Damon at Sam. Kung meron excited si Majah yun kasi makakapag cheer na naman siya sa crush niyang si Mario.

Di ko nga alam kung bakit di pa din alam ni Mar na crush siya ni Majah eh kung mag cheer ang kaibigan namin pag dala niya yung bola wagas. May pa, hampas hampas pa sa balikat namin. Kawawa tuloy kami ni Luisa.

Isinama ko na rin ngayon si IC kahit na boring para sakanya ang soccer kasi daw ang haba ng laro, kaya nga daw siya nag Basketball eh, maliban daw sa favorite sports ng mga pinoy hindi pa daw boring. Pero napilit ko padin siya, ganun ako kalakas kay espren.

"Mag sisimula na ba ang tagal naman!" Pagaangal ni IC. Pinaltukan ko siya sa likod ng ulo niya, paano naman kasi umaangal na naman. Di nalang manahimik! Sinamaan niya ko ng tingin nung binatukan ko siya syempre ako, nag puppy eyes lang sakanya bilang pag lambing.

"Mapanakit ka na ah! Hahalikan kita." Pagbabanta niya na.. ikinainis ko lang kaya this time, dinibdiban ko siya.

"Para namang ibibigay ko lang sa playboy ang precious first kiss ko." Pabalang kong sabi.

"Alam mo mas magandang may practice ka na sa paghalik sa playboy, para pag nag ka boyfriend ka.. good kisser ka na!" Sinuntok ko siya sa braso niya.

"Ang manyak mo!" Haay! Paano ba ko nag kagusto dati da mokong na to? Pambihira! Minsan talaga, di mapagkakatiwalaan ang feelings.

"Ang mapanakit mo!" He snapped.

"Nagaaway na naman kayong lovers dyan." Luisa said interrupting my small fight with my siraulong/manyak na best friend.

"Lovers ka dyan! Yuck!" I make a disgusted face.

"Tss.. maka yuck ka dyan parang lugi ka pa ah!" IC said.

"Tama na yan mga bata! Pumapasok na yung team ng school natin." Majah said looking at the players. As she said that, nakita ko na din sila Damon at Sam.

"GO! KING BROTHERS!" I scream, cheering. Tumingin silang dalawa sakin, si Sam.. kumaway kaya sinuklian ko siya ng kaway din. Si Damon tumango lang sakin, kaya ganun lang din ang ginawa ko.

"Ang ingay mo!" Pagaangal ni IC nang nakatakip pa ng tenga.

"Alam mo ikaw nakakabuwiset ka na!" I make a fake insulted face. Ngumiti siya ng very very sweet at dumikit pa sakin ng mas malapit tsaka ako inakbayan. Ganyan yan mag lambing pag may nagagawang kasalanan. Ngayon, mag lalambing, lambing siya. Tss!

"Ian.." Dinig namin ang boses ng isang babae na tumawag kay IC. Sabay kaming tumingin sakanya at nakita namin ang best friend ni Sam na babae, si Lexi. Hindi kami madalas mag usap pero feel niya ang na fefeel ko pag napapaaway sa mga girls dahil close kami sa Kings. Yun ang isa sa na pagkakasunduan namin.

Sa pagkakaalam ko din may rumored tungkol sakanila, rumored lang.. kasi never namang nilang inamin yun.

"Oh.. Lex, napilitan ka ding manuod?" Pagbibiro ni IC. Grabe siya, ipamukha ba namang pinilit ko lang siya?

Tumawa si Lexi at umupo sa tabi nito. "Hindi ah, sinusuportahan ko lang yung Kuya mo, bakit napilitan ka lang bang manuod?"

"Oo eh." IC said sabay gulo ng buhok ko. Kinurot ko lang siya sa tagiliran niya bilang pag ganti. Tumingin sakin si Lexi at ngumiti, ganun din ako sakanya.

The games finally begin..

Mas maraming supporters ang team ng school namin kesa sa kalaban kaya ganun nalang kaingay kapag team namin ang may dala ng bola. At mas umiingay kapag yung Kings na ang may dala nung bola, paano naman kasi nandito din pala yung mga bruhang bumubwiset lagi ng araw ko sa school sila Trish at yung dalawa niyang alipores, na feelingerang mapapansin sila ng mga crush nila. Psss.. kung mabait siguro sila may chance pa kaso, pangit na nga sila pangit pa ugali nila.

The game ended.. the score was 2-1 in favor of our team. Ang tanging naka goal ay si Damon, di na nakapagtataka.

"Urgh.. for sure maingay na naman sa bahay mamaya!" IC groans. Lagi kasing may celebration ang football team sa bahay ng mga Kings kapag nananalo sila.

"Wag ka na naman mangiistorbo sa bahay ah!" Pagpapaalala ko. Sakin kasi puntahan nito pag naiingayan sakanila eh. Palibhasa hindi sinasali ng mga Kuya niya kasi underage pa daw di pa pwedeng uminum. Seventeen palang kasi siya, same kami.

"Pag may dala silang chicks di ako manggugulo." Pilyo niyang sabi. Haaay! Chickboy talaga.

"Lexi Margaret Velasco.." Sam called his best friend, running closer to us.

"Kailangan kompleto Samuel King?" Sarkastikong sabi ni Lexi kay Sam na dahilan para tumawa si Sam at IC. Tss.. nakikitawa yung isa di naman kasali.

"Sa bahay mamaya ah, dalhin mo daw mga classmates mo sabi ng team." Sam said.

"Paano kung ayoko?"

"Edi wala kang icecream!"

"Para namang di ko kayang bumili nun."

"Edi wala kang.. icecream ulit." Sige push mo yan, Sam.

"Oo na sige na sige na, yang mga kateam mo hindi talaga nabubuhay ng walang babae."

"Pag bigyan mo na."

"Ayos may chicks!" Laking ngiti ni ungas IC. Pambihira talaga, katulad lang siya ng mga kateam nila Sam, di nabubuhay ng walang babae.

Tumingin sakin si Sam at ngumiti. "Maganda ba laro ko Amber?" He asked.

"Yup, nice pass to Damon." I said smiling.

He chuckled. "Salamat!"

King BrothersWhere stories live. Discover now