King Brothers - 35

12.8K 528 14
                                    

I looked up at Marcus, shockingly. What the hell is he saying? Bakit niya sinasabing siya yung boyfriend ko? Nababaliw na ba siya? Is he out of his mind?

Hinawakan ako sa kamay ni IC at hinila papunta sa side niya at siya naman ang umakbay sa'kin kaya nag karoon din ako nang pagkakataon na tignan siya ng what-are-you-doing look.

"Ikaw? Boyfriend niya? Ni wala ka nga sa kalingkingan ng kagwapuhan ko." Pagmamalaki ni IC.

Marcus just smirked at IC. "Sino bang model sating dalawa, diba ako?" Pagmamalaki din ni Marcus. Bumitaw sa pagkakaakbay sakin si IC at bigla niyang sinapak sa mukha si Marcus na ikina panick ko at ikinatumba ni Marcus.

Plano pa sanang lumapit ni IC kay Marcus pero pumagitna na 'ko. "Teka! Tama na! Ano ba!" I scolded IC.

"Anong nagustuhan mo sa gagong yan? Dahil sa model siya kaya kahit di kayo ganun katagal magkakilala pumayag ka ng maging boyfriend siya? Yung mga katulad na ba niya yung tipo mo?!"

"Tumigil ka na pwede!" Urgh! Ang gulo ano ba yan!

Nakatayo na si Marcus mula sa pag kakasuntok sakanya ni IC at this time siya naman ang sumuntok dito pero di yun enough para mapatumba si IC.

"Pwe! Parang kang babae sumuntok." Aamba na ulit sana ng suntok si IC pero humarang ako.

"Tama na!" I yelled, pushing IC. "Kumalma ka nga!"

"Paano kakalma sabihin mo nga? Nag lihim ka sa'kin Amber, best friend mo pa man din ako!" He pointed himself as he said the word ako.

Napa buntong hininga nalang ako at di alam ang sasabihin, sumasakit na ulo ko sa sobrang gulo ng nangyayari. Oo nag lihim ako pero hindi about samin ni Marcus kaya paano 'ko ide'defend ang sarili ko?

"Tsaka na tayo mag usap kapag malamig na yang ulo mo!" Hinawakan ko nalang sa wrist si Marcus at hinila na palayo kay IC bago pa mag kabanatan na naman sila ang hirap pa namang mag awat, buti nalang walang nakakitang Prof. kundi lagot kaming tatlo.

Sa pag hila ko kay Marcus hindi kami dumiretso sa classroom kundi sa clinic dahil dumudugo kasi yung lower lip niya dahil sa malakas na suntok ni IC.

Bago kami pumasok sa clinic hinarap ko muna siya. "Ano bang pumasok sa isip mo at sinabi mong ikaw yung boyfriend ko? Tignan mo yung nangyari, sinuntok ka ni IC."

"Gusto lang naman kitang tulungan, di ko naman akalaing susuntukin ako nung kaibigan mong yun eh."

I sighed. "I appreciate na tinulungan mo ko, pero hindi dapat sa ganitong paraan lalo lang gumulo yung lahat eh."

"Sorry, nakita ko kasi kaninang tila nakokorner ka na at hindi alam ang sasabihin kaya naisip kong gawin yun."

I put my hand on my forehead and run it through my hair. I'm hopeless, paano kung malaman 'to ni Damon eh selos na selos pa man din siya kay Marcus.

"Sorry din sa ginawa ni IC." That's all i can say. "Pumasok na tayo ng clinic." I added. Tumango lang siya bilang pag sangayon. Pinauna ko na siyang pumasok ng clinic dahil siya naman yung may sugat. Inasikaso naman agad siya nung nurse na naka duty and luckily maliit lang yung sugat nito sa labi. Medyo natagalan nga lang sa pag gagamot yun nurse kaya di kami nakapasok sa first subject namin.

King BrothersWhere stories live. Discover now