King Brothers - 7

18.3K 714 8
                                    

SAMUEL KING POV.

Pag bato ng unan sa dibdib ko ang dahilan para magising ako sa napaka sarap kong tulog. Iminulat ko yung isa kong mata tignan kung sino ang gumawa nun at nakita ko si Lexi, na nakaupo sa kama ko habang ako nasa sahig.

Dito kasi siya nakitulog, dahil nalasing siya kagabi sa party.

"Gumising ka na dyan!"

"Bakit ba ang aga mong manggising?" Pagaangal ko.

"Ihahatid mo pa ko sa bahay, baka malate ako sa mga klase ko! Pati ikaw!"

"Tss.." nag bago lang ako ng pwesto at tumagilid sa pag higa at nag takip ng unan sa ulo ko.

"SAMUEL KING!!" She yelled calling my name. Naramdaman ko ang pag pwesto niya sa likod ko at pinilit na kinukuha yung unan sa ulo ko. "Gumising ka na kasi!" Pagpupumilit niya.

"Oo na, sige na." I said facing her.

"Okay, mag shower ka na! Magluluto na muna ko sa kusina para naman may kainin kayong mga barako dito, para hindi kayo puro pa deliver." Tama siya, wala kasing marunong magluto saming tatlo eh. Kaya puro delivery foods malang kinakain namin o kaya minsan kanya kanya na kaming kain sa labas.

"Okay, Mom." I joke, yawning. She slapped on my arm. "Aww! Bakit ba kayong mga babae mapanakit?" Pagaangal ko.

"Kasi yang mga bibig niyo hindi maganda ang mga sinasabi."

"Tss.. pag nag sabi naman ng maganda sasabihin nang bobola. Ano ba talaga?"

"Alam mo kesa makipag talo ka sakin, bumangon ka na lang dyan at mag shower ka na! Amoy alak ka pa din! Kadiri!" Pag kasabi niya nun, lumabas na siya ng kwarto. Inamoy ko tuloy sarili ko dahil sa sinabi niya, una yung hininga ko at tama siya amoy alak pa ko.

Dali dali akong tumayo mula sa pag kakahiga at sinipa ang lahat ng unan na kinalat ni Lex para gisingin ako. Hinubad ko yung sando ko at pants tsaka hinagis lang ito sa kama. Kinuha ko na din yun tuwalya ko sa gilid ng pinto tsaka pumasok ng bathroom para makapag shower.

Sinigurado kong walang alak na maamoy si Lex sakin para hindi na siya maka angal sa amoy ko.

Natapos akong mag shower, lumabas ako ng bathroom ng naka tapis lang sa bewang ko yung towel tsaka kumuha ng pwedeng suotin sa closet ko. Kumuha ako ng panibagong pants at maroon T-shirt tsaka nag simulang mag bihis.

Natapos ako sa pag bibihis ko ng saktong nag bukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok si Lexi. "Ang tagal mo namang kumilos, luto na lahat lahat yung breakfast, nandun na din mga kapatid mo nandito ka padin."

"Eto na Ma, malapit na." Sabi ko habang inaayos yung buhok, para pogi pag pasok ng school, kahit di na kailangan kasi pogi na ko.

"Ang kalat mo talaga sa kwarto!" She scolded me again. Eto na naman siya. Maneneromon siya pero siya din naman ang mag lilinis.

Natapos ako sa pagaayos ko ng buhok habang si Lex naman patapos na sa paglilinis ng kwarto ko, hindi ko na hinintay na matapos siyang maglinis at hinila ko na siya palabas ng kwarto ko.

"Ako na tatapos nun mamaya pag uwi." I said.

"Baka nga maabutan ko pang makalat yun sa susunod na punta-" huminto ako sa paglalakad at tinakpan yung bibig niya.

"Shhh.." Hinila ko nalang ulit siya hanggang sa nakarating kami sa Dining area kung saan nandun na sila Kuya Damon at Ian na ineenjoy na yung luto ni Lex.

"Lex, the best ka talagang mag luto buti ka pa, si Amber kasi walang katalent talent." Ian said chewing. Umupo na ko katabi si Lex tsaka sinimulang mag sandok.

"Salamat. Pero tingin ko kahit hindi naman marunong mag luto si Amber gusto mo pa din siya."

"Ha?" Napahinto si Ian sa pagkain dahil sa sinabi ni Lex. "Ako may gusto kay Amber? Psss.. wala nu!" Pagtatangi niya. Napatingin ako sakanya. Wala ba talaga siyang gusto kay Amber? Imposible naman yun ang tagal na nilang mag kasama at sa pagkakaalam ko umamin na sakanya si Amber, wala manlang ba siyang naramdaman? Kung ako yun baka meron, aba chicks kaya si Amber kung di lang yun best friend nitong si utol pinormahan ko na yun eh.

"Malapit na birthday niya diba?" I asked chewing.

"Oo."

"Magkukutilyon ba siya? Siguro ikaw yung escort nu?" Lex asked. Malamang best friend eh.

"Di niya daw trip yung mga ganyan, pero hindi pa din naman final kung may kutilyon nga o wala. Hindi pa naman din niya sinasabi na ako ang gagawin niyang escort."

So, undecided pa pala si Amber sa escort niya? Aba.. biruin ko kayang ako nalang? Malay mo pumayag. Kahit na two percent lang ang chance na pumayag siya dahil panigurado din naman na itong si Ian ang pipiliin niya.

"Baka meron na, di palang niya sinasabi." Pagsisingit ni Kuya Damon sa usapan kaya sabay sabay kaming napatingin sakanya. Wala manlang siyang reaksyon sa mukha niya.

"Imposibleng di niya sabihin sakin yun kung meron na nga." Ian said.

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon