King Brothers - 19

16.3K 949 62
                                    

Dumiretso ako sa kwarto ko ng makauwi ako galing school.

Pag katapos ng ginawa ni IC sa harap ng madaming studyante kanina sa canteen at lalong lalo na sa harap ni Damon, feeling ko ang liit liit ko dahil sa hiya. Lagi kong tinatangi sa lahat ng nagtatanong lagi samin kung may relasyon kami ni IC tapos hahalikan niya lang ako? Ganun ganun? Dahil na excite lang siya? Eh hindi naman yun ang unang beses na naexcite siya!

Nakakainis talaga siya!

Narinig kong nag ring yung cellphone ko mula sa bag ko, kinuha ko yun at tinignan kung sino yung tumatawag.. wala ng iba kundi si IC. Hindi ko yun sinagot at inilapag nalang yung cellphone ko sa kama ko at nag bihis nalang ako.

Habang nag bibihis, ring lang ng ring yung cellphone ko.. alam kong hindi siya titigil hangga't di ko yun sinasagot. Dahil mainit ang ulo ko at di ko talaga nagustuhan ang pag gamit niya ng playboy moves kahit mangulit siya wala akong pakialam.

Nang makapag bihis ako, lumabas ako ng kwarto ko para mag init ng pwedeng kainin sa ref, pero bago ko buksan yung ref may nakita akong note ni Mama..

Sweetheart hindi ako makakauwi ngayon, bukas pa ng gabi. Nasa business convention ako sa Cebu kaya ikaw na munang bahala sa bahay. I love you.

Love, Mama.

DON'T FORGET TO LOCK THE DOOR AND ALL THE WINDOWS.

Haay, ako na naman pala magisa ngayon sa bahay.

Binuksan ko nalang yung ref at nang hanap ng pwedeng kainin tsaka sinimulan ang mag init. Habang nag hihintay, biglang pumasok sa napakatalino kong utak na manuod ng movie ngayon dito sa bahay. Tutal mag isa lang naman ako, at walang magagalit kung nag pupuyat ako. Ha! Ano kayang magandang panuorin?

Natapos ako sa pag iinit at sinimulan ko ng kumain, kunti lang kinain ko kasi plano kong kumain ng Popcorn mamaya habang nanunuod ng Movie.

Nang matapos akong kumain, hinayaan ko na muna sa lababo yung pinag kainan ko tsaka naman ako ng simulang mag luto ng Popcorn. Alam ko naman kahit papaano mag luto nun dahil, madali lang naman. Tinuruan ako ni IC, kasi hilig namin ang mag movie marathon.

Nang matapos naman akong mag luto, dumiretso na ko ng sala at inilagay na muna sa lamiseta yung naluto kong Popcorn atsaka sinimulang hanapin yung gusto kong panuorin na movie. Dahil favorite ko ang 50 first dates, yun nalang ang isasalang ko.

Pero bago ko siya tuluyang iplay, pumunta muna ako ng kwarto ko para kunin yung cellphone ko. Nag babaka sakali kasi akong, baka pumunta ulit dito si Damon tulad ng ginagawa niya.

Pagkatingin ko sa cellphone ko, ang daming miscalls ni IC as expected and may message din siya.. kaya binasa ko na yun.

** Amber, sorry na. Di ko alam kung bakit ko nagawa yun. Alam kong mali yung pag agaw ko ng first kiss mo, kaya sorry na talaga. Please. **

Di na ko nag taka na iisipin niyang siya ang first kiss ko. Paano naman kasi di niya alam ang tungkol kay Damon.

Hindi na ako nag abalang replyan siya at nag madali nalang bumalik sa sala para masimulan na ang manuod ng movie.

Inilapag ko lang sa maliit naming lamesa sa sala yung cellphone ko tsaka ko sinimulan ang maunod. Nasa kadungan ko lang yung square na unan para dun ipatong yung mangkok na naglalaman ng Popcorn.

Hindi pa man ganun katagal nag sisimula ang panunuod ko bigla namang nag ring yung cellphone ko, kinuha ko sandali yun at di ko maiwasang mapangiti ng napakalaki ng makitang si Damon ang nakita kong tumatawag.

King BrothersWhere stories live. Discover now