King Brothers - 27

16.4K 726 24
                                    

Ngayon na ang ng pag dating nung mag susukat daw ng gown sakin. Mamaya pa naman yun ng tanghali kaya nakahilata pa ko dito sa kama ko at katext ang boyfriend kong kakagising lang daw ayun sa text niya.

** Kamusta na pala binte mo? **

Tanong ko sakanya, kasi ilang araw na mula nung mainjured siya. Naiintriga ako kung nakakalakad na siya ng maayos.

** Ayos na, nakakalakad na ko ng maayos kahit papaano. Na mimiss na kita dahil dito sa injured ko di tuloy kita mapuntahan dyan sa inyo. **

Yah! Ilang araw na kaming di nagkikita kasi hirap pa siyang maglakad kaya di siya nakakapasok ng schook at pumunta dito sa bahay tuwing gabi pati ako namimiss na din siya.

** Miss na din kita my love. 😞 **

** Mag date tayo ngayon? **

Reply niya na nag paexcite sakin. Oh my! Mag didate kami. Hihi.

** Kaya mo na ba? **

** Oo kaya na, tsaka nandyan ka naman eh. **

** Ok, what time? **

** Choice mo, my love. **

Hmm.. ano oras nga ba? Sandali lang naman siguro yung pag susukat nung gown diba?

** 3pm? For sure baka sakaling tapos na yung pagsusukat ng gown ko nun para sa debut ko. **

** Ok. Pupuntan ba dyan si Ian ngayon? Umalis siya kanina eh. **

Papunta na pala ang mokong.

** Yup! Siya kasi ang escort ko. **

** I see. 😞 **

** Why sad my love? **

** Gusto ko talagang maging escort mo, pero alam kong nasabi mo na yun kay Ian kaya wala na kong magagawa. **

** Ikaw naman ang real life escort ko eh kaya wag ka ng malungkot dyan. 😚 **

** 😍 **

** 😘 **

** 😚 **

** Ay ano puro emoticons nalang? 😄 ** Reply ko.

Biglang nag bukas ang pinto sa kwarto ko nang wala manlang katok katok ang bumasag sa focus ko sa pakikipag text sa boyfriend ko. Ang nakita kong istorbo ay si IC. Shit! Dali dali akong umupo mula sa pagkakahiga at itinago sa ilalim ng unan ko yung cellphone.

"Di ka ba marunong kumatok ha?!" I scolded him.

He laughed. "Para namang bago pa sayo yun." Naglakad siya papalapit sakin at umupo sa kama ko. "Bakit nakahiga ka pa dyan? Darating na daw yung mag susukat satin."

"Tinatamad pa kong kumilos." Kalahating kasinungalingan, kalahating totoohan kong sagot. Tinatamad ako kasi katext ko pa si Damon, tapos bigla pa siyang sumusulpot. Tsk.

"Mag bihis ka na!" Utos niya.

"Oo na sige na, mag bibihis na. Lumabas ka na."

"Bilisan mo ha! Pag fifteen minutes wala ka pa din papatungan na kita dyan."

King BrothersWhere stories live. Discover now