King Brothers - 13

16.6K 653 10
                                    

The game started.

IC will be our goalkeeper. Si Mario naman sa opponent side. Habang kami ni Majah ay magiging defender, sa kabila naman ay sina Lexi, Kelly.

Ang magiging striker/midfielder naman namin ay si Damon, si Sam naman ang sa kabilang team.

Damon dribbling the ball, Kelly is into him, defending him. "Go for the ball, Kell!" Sam shouts.

Pero nilampasan lang siya ni Damon at sumunod na bumantay sakanya ay si Lexi, tulad ng una nalampasan niya lang to. Hu! Buti nalang kakampi namin ang star player.

Hanggang sa si Sam na ang sumubok ng umagaw ng bola kay Damon, nahirapan man siya pero nagawa pa din niyang lampasan si Sam hanggang sa sipain ni Damon ang bola papunta sa goal at dahil di naman talaga goalkeeper ang position ni Mar sa team nila ayun di niya naharang yung bola.

So it means.. score namin! Haha.

"Mukhang di tayo mapapagod nito." Maj said.

"True!" I agreed. Maging kakampi mo ba naman ang star player eh.

Ngayon bola naman ng kalaban. As expected si Sam ang magdadala ng bola papunta sa goal namin. Unang dumipensa sakanya ay si Maj pero madali niya lang tong naiwasan, ako na ang sunod kaya humarang ako sa way niya kaya huminto siya sandali at ngumisi sakin.

"Agawin na sakin yung bola, Amber." Paghahamon niya.

"That's my job." Lumapit ako sakanya at sinubukan agawin yung bola pero gumamit siya ng trick para di ko maagaw yun.

"Daya! Ginamitan mo ko trick." Pagaangal ko.

He laughed. "Kasama sa game yun Amber. Ganto nalang pag naagaw mo sakin yung bola, ililibre kita ng ice cream!"

I raised my right eyebrow, excitedly. "Cheese flavored ice cream?"

"Cheese flavored ice cream!" Natatawa niyang sabi habang tumatango. Okay, inspired na kong mang agaw ng bola ngayon. Lumapit ulit ako sakanya kahit walang direksyon na yung pag sipa ko ginagawa ko maagaw lang ang bola sakanya kaya lang, pinaglalaruan niya lang ako.

Daya talaga!!

"Tama na yan, ano ba? Laro na nga nilalaro niyo pa!" Pagaangal ni Lexi. Kaya napahinto kami ni Sam sa pagaagawan ng bola.

Bigla nalang namin napansin ni Sam na may umagaw nung bola, sabay kaming napatingin sa direksyon nun at nakita namin si Damon. "Tama na ang kakalaro." He seriously said.

Nagkatinginan kami ni Sam at wala ng nagawa kasi ang Kj ng sa paligid namin. "Dibale lilibre parin kita ng cheese ice cream." He winks playfully, making me giggle.

"Damon, pass here!" Maj shouted making us all look at her, malapit na siya sa goal. Nag si takbuhan ang team nila Sam sa direksyon ni Maj na halatang nagulat na nandun na siya.

Damon took that chance and gave the ball to Maj, and surprisingly Maj kicked the ball and... naka goal siya.

Wow! Marunong siya? Sabagay crush ba naman niya eh isang football player eh, ewan ko nalang kung di pa siya matuto.

She's jumping, laughing, enjoying her goal.

"You did it, congrats." Mario told her with a smile.

"Salamat."

"Haaay! Wala manlang akong ginawa." Pag aangal ni IC sa likod ko. Napatingin ako sakanya sa gulat kasi naman di ko napansin yung paglapit niya.

"Ayaw mo nun? Di ka manlang napagod?" He pouts, disappointingly. Pinisil ko yung ilong niya at pinangigilan ito, cute kasi talaga nitong best friend ko pag mag pa'pout eh.

"Tama na tong laro, kain na muna tayo." Lexi said. Since siya ang nag organized nito wala na kaming choice kundi ang sumunod tsaka feeling ko din nagutom ako sa pakikipag agawan ng bola kay Sam eh.

Nag kanya kanya na kaming punta dun sa sinetup nilang picnic churva, habang nakaakbay sakin si IC. Isa isa na kaming umupo, syempre na tabi ako sa dalawang pinaka close ko si IC at Maj, pinagigitnaan nila ko. Syempre si Mario tila hindi na matiis na hindi katabi si Majah kaya nakitabi siya samin habang nasa tapat namin nakaupo si Sam at Lexi na magkatabi at si Kelly na nakatabi kay Damon.

Pinag sandok ako ng maalaga kong best friend ng makakain, kaya gustong gusto ko siyang kasamang kumain alagang alaga niya ko na para niyang nakababatang kapatid.

"Thank you." I mouthed at him, smiling.

"Welcome." Pag kasabi niya nun, ginulo niya yung buhok ko kaya binigyan ko siya ng sweet na masamang tingin. Ngumisi lang siya sakin.

Nag simula na din siyang mag sandok ng kakainin niya. Nang lahat na kami merong kanya kanyang kakainin, nag simula na kami sa pagkain.

Itong si IC masyadong obvious na sarap na sarap sa kinakain kasi naman para siyang bata kumain, nakakairita tignan. Siguro ganito nararamdaman niya pag nakikita niya kong kumakain ng ice cream, ngayon alam ko na.

Using the back of my hand, pinunasan ko yung labi niya na may naiwang kanin tsaka siya inabutan ng tubig. "Dahan dahan naman sa pagkain uy, mabilaukan ka niyan." I scolded him.

"Sorry, ang sarap kasi talaga ng luto ni Lex eh." He said chewing. Oo na! Siya na masarap mag luto ako na hindi!

"Salamat." Lexi said to him.

"Ayos lang bang mag tanong?" Kelly asked.. me and IC.

"Ano yun?" Sabay naming tanong ni IC.

"Kayo bang dalawa?" Nagkatinginan kami ni IC, tsaka ako tumawa ng malakas.

"Ito?" I pointed IC. "Hindi nu! Best friend ko lang siya."

"But you guys kissed already?" Kelly asked again making me stop from laughing. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin kay Damon, na napahinto sa pagkain niya nung marinig ang tanong ni Kelly pero di siya nag abalang tignan ako.

I notice everyone smiling teasingly at us except kay Damon at Sam, lahat sila nag hihintay ng sagot. "No, we haven't." IC answered. "But she wants too, i was just not giving her the opportunity to kiss me." He added smirking.

"Ang kapal ng mukha! Bawiin mo yan!" Inis kong sabi na may halong pagbabanta.

He laughed. "Relax, biro lang naman eh. Honestly, wala lang akong lakas ng loob na agawin ang first kiss niya."

"What? You mean Amber, you haven't kiss a guy yet?" Kelly asked again. Bakit ba trip ako nitong tanungin ng mga ganyang bagay? Nakakahiya! Gusto ko mang ipagmalaki na meron na kong first kiss hindi ko naman magawa yun dahil kasama namin ang first kiss ko at di pa alam ng kahit na sino yun maliban samin ni Damon.

"I uh.."

"Stop that annoying topic, can't you all guys see.. we're eating." Pagsisingit ni Damon sa pagsasalita ko. I was about to say a lie to then but thanks to him, hindi ko na kailangang mag sinungaling.

Pero di ko maiwasang madisappoint lalo na't sinabi niyang annoying yung pinaguusapan namin, samantalang ang kiss namin ang topic. Di ko din maiwasang mag isip na siguro balewala lang sakanya yung kiss na yun.

Di manlang ba siya flattered na siya ang first kiss ko?

King BrothersWhere stories live. Discover now