King Brothers - 43

11.6K 482 26
                                    

Nakauwi na ang mga bisita namin ni Mama. Ang kapatid at Tatay ko ay bumalik na sa Inn na tinuluyan nila habang nandito sila sa bansa. Ang boyfriend ko naman umuwi na sa bahay nila na halos mag nosebleed kakaenglish. Haha!

Dumiretso ako sa kwarto ko pagka alis nila at ibinagsak ko yung katawan ko sa kama. Kanina ko pa 'to gustong gawin ngayon lang nabigyan ng pagkakataon.

I was about to close my eyes para makapag rest pero narinig ko naman na may kumatok sa pinto. Nang mag bukas ito si Mama ang pumasok at pinakita yung invitations ko para sa debut.

"Baka makalimutan kong ibigay sa'yo 'to bukas kaya ngayon ko na ibibigay."

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Nag lakad ako papalapit sa kanya at kinuha yung invitations. "Thanks, Ma."

"Welcome. Goodnight, sweetheart."

"Goodnight, Ma." She just kissed me on my forehead bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Sinimulan kong pag masdan ang itsura ng invitation habang naglalakad papalapit sa side table tsaka ito inalapag dun nang matapos kong tignan ito.

Hindi na muna 'ko humiga ng kama dahil plano ko nang mag freshen up muna. Kumuha ako ng towel, nag lakad ako papasok ng bathroom at sinimulan ang mag shower.

Sa pag tapos ko, nag bihis din naman agad ako ng pajama ko tsaka pinupunasan ang buhok ko para matuyo. Nang matuyo naman 'to kinuha ko muna yung cellphone ko para itext ang mahal ko na tingin malapit nang makarating sa kanila.

** My love tulog na mahal mo, mahal kita. **

Inilapag ko lang sa side table yung cellphone ko, di ko na hinintay ang reply niya tsaka ako humiga ulit sa kama ko para matulog at mag mapahinga na.

Nagising ako mula sa pagkakatulog na ang una ko agad na hinanap ay ang cellphone ko.

Kinuha ko yun sa side table at tinignan kuna may message ako mula kay my love.. meron naman so binasa ko agad 'to.

** Just got home my love. Mamaya matutulog na din ako para mapanaginapan na kita ulit. Mahal din kita sobra umaapaw pa. 😚 **

I smile as i read his text. Ito ang best mabasa na text pagkakagising mo lang nakaka positive nang umaga. Hmm.. sana nga positive lang mangyari ngayong araw.

Nag type ako ng pang text sa kanya..

** Mahal ko gising na mahal mo. Kain ka pag gising mo. Mahal kita sobra sobra sagad hanggang universe pa. 😚 **

Nanatili lang akong nakahiga dito sa kama ko dahil feeling ko maaga pa naman kaya nag muni muni muna ako sandali.

Sakto din naman na nak received ako ng text mula sa boyfriend ko..

** Good morning mahal ko, ang aga mong maging sweet. Mahal kita. Kitakits sa school. 😉 **

Dahil nabangit niya ang school,  bumangon na 'ko ng kama. Inilapag ko ulit sa side table yung cellphone ko at dun nakita ko na naman yung invitation. I decided na ilagay na 'to sa loob ng bag ko baka kasi makalimutan ko pa mamaya.

After nun, kinuha ko na yung towel ko para masimulan ko na ang mag shower.

Sa pagtapos ko naman, nag bihis din naman agad ako. Kinuha ko lang yung bag ko tsaka ako lumabas ng kwarto ko.

Sa pagbaba ko dumiretso ako ng kusina para kumain ng breakfast bago manlang sana pumasok. Maabutan ko lang sa table ang inihanda ni Mama na breakfast na may nakalagay na note..

Here's your breakfast sweetheart, maaga akong pumasok kaya wag mo na 'kong hanapin. - Love, Mama.

Sinimulan ko nalang kainin yung niluto ni Mama para sa'kin. Nang maubos ko yun, hinugasan ko lang sandali yung pinagkainan ko tsaka ako lumabas ng bahay.

King BrothersWhere stories live. Discover now