King Brothers - 25

16K 763 32
                                    

"Paano mo nalamang ako ang girlfriend ni Damon?" Gulat kong tanong.

Shit! Paano na to? Baka sabihin niya yung tungkol samin kay Samie, mag best friend sila at baka madulas siya.

"Let's just say na, may napapansin lang ako sa tinginan niyo." Ganun? Kung sabagay dun nahalata ni Luisa na may gusto nga ko kay Damon. Ang tanong sila lang kaya ang nakakapansin?

"Don't worry wala akong planong ikalat ang tungkol sainyo dahil obvious naman na itinatago niyo yun." She reassured. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, salamat naman kung ganun.

"Salamat." I said.

She smiles. "Sabihin nalang natin na nakahinga din ako ng maluwag dahil kayo na ni Damon. Alam ko kasing may feelings si Samuel sayo."

I blinked at her, shockingly. Alam niya din ang tungkol dun? Kung sabagay mag best friend nga pala sila ni Samie, kaya malamang kung may nagugustuhan ang best friend mo alam niya yun.

Nakakakonsensya tuloy sa part ko dahil malihim na ko kay IC.

"Alam mo kasi may gusto ako kay Sam. Well, not by choice pero.. ewan yung gagong yun kasi masyadong pafall." She added. Oh! Nafall na rin pala siya sa best friend niya tulad ko kaso yung feelings ko nun para kay IC wala na talaga.

"Don't worry about me and Sam, im seriously and deeply in love with Damon. Hindi palang namin masabi sa lahat at maipagkalat yung samin dahil iniisip niya yung protective kong best friend na si IC ay baka magalit sakanya."

She laughed softly. "Nakakatawa dahil yan din ang iniisip ni Sam." Yah! Nabangit nga ni Samie yun.

"Ayos lang bang, wag mo munang bangitin ang tungkol samin ni Damon kay Sam?" Favor ko.

"No problem, basta wag mo din sabihin kay Sam na may feelings na ko sakanya."

I chuckled. "Hindi, don't worry." I reassured.

"Congrats sainyo ni Damon." She sincerely said.

"Thank you. Babalik na ko sa field."

"Sabay na tayo." Tumango lang ako sakanya.

Sabay na kaming nag lakad pabalik field kung saan ang score ay ganun pa din. I wonder kung anong nangyari kung sa penalty kick, ang alam ko kasi binigyan sila nun dahil sa foul na pag sipa nung opponent kay Damon.

Lumapit ako kay Majah habang si Lexi bumalik sa upuan niya kanina.

"Anong nangyari sa penalty kick?" Tanong ko kay Majah pagkalapit ko sakanya.

"Naharangan nung goal keeper ng kalaban eh." Sagot niya. Kaya naman pala eh, sayang naman yun. Tsk!

Tinapos na muna namin ni Majah yung game dahil curious din naman ako sa mangyayari sa game kahit wala na yung gusto kong icheer. Nang matapos naman ang game natalo ang team namin.

It means walang celebration sa bahay ng Kings, kung sabagay paano sila makakapag celebrate kung injured ang isa nilang team member.

"Hihintayin mo pa ba sila?" Tanong ni Majah habang nag lalakad kami papunta sa parking.

"Hindi ko alam, baka kasi mag duda yung iba kung bakit nandito pa ko."

"Edi sasabihin kong nag pasama akong hintayin si Mar, may lakad din kasi kami eh."

"Aba't, kayo na ba ang next samin ni Damon?" Pabiro kong tanong, ito namang kaibigan ko ngumiti ng malaki sa narinig.

"Sana." Laking ngiti niyang sabi.

Just like what Majah said, hinintay na namin ang team makalabas sa dugout nila. Tutal pagtatakpan naman daw niya ako eh. Napansin ko na pati Lexi nag hihintay sa tabi ng kotse ni Sam, siguro sabay silang uuwi.

King BrothersWhere stories live. Discover now