King Brothers - 14

16K 655 13
                                    

I stayed at IC's side, medyo ewan.. nawala ako sa mood sa di ko malamang dahilan. Tahimik lang kaming nakaupo habang pinapanuod si Mario at Majah na nag lalaro ng football.

Ang saya nila, buti pa sila.

Siguro talagang disappointed pa din ako na parang wala lang kay Damon yung kiss namin samantalang ako hirap na hirap makatulog kagabi dahil dun.

Hindi nalang sana siya pumunta sa bahay at hinalikan ako kung wala lang naman sakanya yun.

Pasimple ko siyang tinignan at kausap siya ngayon ni Kelly. Kasama sila Sam at Lexi, na magkadikit na ngayon.

Kung kausapin siya ni Kelly parang close na close na sila, nakakapanibago sa side ni Damon kasi medyo snobers siya sa mga girls pero kay Kelly medyo ngumingiti siya. Di kay type niya si Kelly? Kung sabagay maganda naman kasi siya, matangkad, pwedeng sumali sa mga beauty contest. Ganyan siguro yung type niyang babae.

"Ayos ka lang ba?" IC asked.

"Oo."

"Tss.. halata namang hindi, may masakit ba sayo?"

"Actually, ayos lang bang umuwi na? Masakit ulo ko eh."

"Osige, sabihan lang natin sila." Tumango lang ako sakanya tsaka kami sabay na tumayo at una naming nilapitan ang nag kakainlove'an na atag si Mar at Maj.

"Maj, uuwi na ko." I said.

"Bakit naman ang aga pa ah."

"Masakit kasi ulo niya eh." IC said.

"Uh.. okay, sige.. mag iingat kayo." Bumeso lang ako sakanya at kumaway kay Mar bilang paalam. Sunod naming pinuntahan yung apat, na nag sosolo.

"Ikaw nalang ang mag sabi sakanila, mauuna na ko sa kotse." Walang gana kong sabi kay IC, i don't think kasi na gusto kong lumapit kay Damon. Medyo nakakabadtrip kasi siya eh.

"Okay, sige hintayin mo nalang ako dun." Nag separate way na kami ng lakad siya papunta sa apat ako naman papunta sa kotse.

Nang makarating ako sa kotse, sumandal lang ako sa gilid nito habang naka cross arms at nakatingin sa kawalan.

Ilang sandali lang may narinig akong tumawag sakin.. "Amber.." Tinignan ko kung sino yun at nakita ko si Sam na kasama si IC.

"Ayos ka lang ba?" Sam asked, concerned.

"Yah, ipapahinga ko lang to." Inilagay niya yung isa niyang kamay sa noo ko at yung isa sa noo niya. Tsinitsek siguro kung mainit ako.

"Gusto mo dalhin ka namin sa hospital?" Sam asked.

I chuckled. "O.A na yun Sam, ayos lang ako." Nawala lang naman ako sa mood dahil kay Damon eh hindi dahil masakit talaga ulo ko kaya bakit pa ko pupunta ng hospital.

"Mag iingat kayo sa byahe." Sam told IC. Tumango lang siya sa Kuya niya, tsaka tumingin ulit sakin si Sam.

"Tsaka na kita ililibre ng cheese flavored ice cream pag di na masakit ulo mo." Sam said smiling.

"Okay, sabi mo yan ah." He nodded his head, hinawakan niya ko sa mag kabilang braso at hinalikan ako sa noo.

"Uminum ka agad ng gamot pag uwi mo." Oh-wow! Concern ang peg? Unexpected to mula kay Sam ah.. kay IC pwede pa eh pero kay Sam? Weird niya ngayon ah. Pansin ko lang din, silang tatlong mag kakapatid weird talaga. Nasa dugo na ata nila ang maging weird.

"I will."

Sumakay na kami ng kotse ng ni IC, siya malamabg sa driver seat ako sa passenger seat tsaka sinimulan ni IC paadarin yung kotse.

Tahimik lang kami habang nasa byahe, ni kahit isa samin walang nag sasalita. Ako talagang wala sa mood kanina pero pati ata itong si IC nawala na din sa mood baka dahil ang aga kong nagyayang umuwi, baka gusto pa niyang makipicnic dun.

"IC, pasensya ka na ah.. baka gusto mo pang mag stay dun, pero no choice ka na dahil sumakit ulo ko."

"No, ayoko na dun buti nga nagyaya ka na eh."

"Bakit naman?"

"Ang weird ng kinikilos ni Kuya Sam, tingin ko may gusto siya sayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, si Sam may gusto sakin?

"Paano naman magkakagusto ang Kuya mo sakin?" Pagtataka ko.

"Malay ko, di ko din naman alam kung anong magugustuhan sayo nun eh. Samantalang flat chested ka naman."

Abat loko to ah!

Hinampas ko siya sa balikat niya. "Grabe ka ha! Anong flat chested? Gusto mo ipahawak ko sayo to ng malaman mong hindi?"

He laughed. "Sure."

"Manyak!!"

"Woe, nag offer ka kaya!"

"Sineryoso mo naman!"

"Alam mo naman ako, seryoso sa mga ganyang bagay." Manyak talaga! Haaay! Bat ko nga naging best friend ulit to? Hindi ko alam, di ko na maalala.

"May chance bang magustuhan mo si Kuya Sam?" Pagbabago ng topic ni IC.

"Bakit mo natanong? Nag seselos ka nu?" I joke.

"Tss.. ako? Magseselos? Hindi ikaw ang type ko nu!"

"Ouch ha!! Ipagdiinan daw ba? Matagal ko ng alam yan, na friendzone mo na ko diba?"

"Uh.. a'ang tagal na nun, n'naalala mo pa yun?"

I laughed. "Bakit nauutal ka? Guilty ka parin ba?"

"Tss.. tigilan mo nga ko!"

"Don't worry, matagal ko ng tinigilan yung kabaliwan ko sayo kaya nga mas lalo tayong nag click diba?"

King BrothersWhere stories live. Discover now