King Brothers - 23

16.3K 846 32
                                    

Dumiretso na ko sa bahay pagkahatid ko kay Sam sa school. Until now in shocked pa din ako sa pag confessed ni Samuel King sakin.

Hindi pala panglilibre ng ice cream ang gusto niya kundi ang mag confess talaga ang habol niya.

Di ko tuloy alam kung paano na siya haharapin ngayon, siya pa naman ang may posibilidad na nag label sa secret girl ni Damon na girlfriend, paano kaya pag nalaman niyang ako yun?

Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama ko at tumingin lang ng blangko sa kisame.

Alam kaya ni Damon ang tungkol sa feelings ni Sam sakin? Kaya ba parang wala lang ako sakanya pag nasa school kasi nandun si Sam? Hmm.. kailangan ko siyang tanungin!

Pero paano kung di pa niya alam? Tapos sabihin ko sakanya? Urgh! Lalo atang naging komplikado ah.

Bumangon nalang ako ng kama at kinuha yung towel ko para makapag shower na. Gusto kong umiwas sa pagiisip dahil sa dalawang Kings. Buti nalang tapos na ang pagtatampo ko kay IC kaya hindi silang tatlong King ang sakit sa ulo ko ngayon.

Nag simula na kong mag shower, nang matapos naman ako nag bihis din agad ako.

Kinuha ko yung cellphone ko para itext yung dalawa kong friends na makikisleep over dito..

** Girls, agahan niyo ah. Para mahaba ang chikahan! **

Itinabi ko nalang ulit yung cellphone ko sa side table, pagkatext ko sakanila.

Lumabas ako ng kwarto ko para pumunta ng kusina at nag hanap ng pwedeng kainin namin mamaya ng girls, nang biglang bumukas ang pinto ng bahay at nakita kong pumasok si Mama.

Dali dali akong lumapit sakanya at bineso siya. "Hi Ma, how's the convention?" I asked.

"Tiring, sweetheart. By the way, may goodnews ako sayo about sa debut mo.. may reception na tayo."

"Oh!! Thank you po." Shit!

"Bakit parang di ka excited?"

"Uh.. medyo lang po." Ayoko ng ipush naipahinto yun dahil nakapili naman na ko ng escort.

"May pupunta dito sa Sunday na magsusukat sayo ng gown para sa debut mo, papuntahin mo din yung escort mo para masukatan. Understand?"

"Opo." Matipid kong sabi. "By the way Ma, uh.. mag iisleep over pala dito sina Majah and Luisa, ayos lang ba?"

"Oo naman, sweetheart." She kisses my hair. "Papasok na muna ako ng kwarto ko." Tumango nalang ako bilang sagot.

Pumunta nalang ako ng kusina para magawa na yung plano kong paghahanap ng pwedeng kainin mamaya ng girls. Mmm.. since wala akong nakita, magpapadeliver nalang ako ng pizza.

Nang dumating ng oras na pag dating nung dalawa.. i told them na wag ng mag doorbell para di nila magising ang magpapahinga kong Nanay, kaya nung nakarecieved na ko ng text mula sakanila pinagbuksan ko na agad sila ng pinto.

"Kanina ko pa kayo hinihintay." I said.

"Ang tagal kasing kumilos ni Majah." Pagaangal ni Luisa kaya di maawisang matawa.

"Grabe ka naman makaangal." Maj says.

"Tama na yan, pumunta na tayo sa kwarto."

"Di na ba kami magpapakita kay Tita?" Luisa asked.

"Wag na, tulog na si Mama. Bukas nalang."

Sinimulan na namin ang pag punta sa kwarto ko. Ang unang ginawa ni Majah ay kumuha nung pizza na pina deliver ko. Si Luisa naman ibinagsak ang katawan sa kama ko.

King BrothersWhere stories live. Discover now