Chapter 02

880 36 7
                                    

Tumulo ang aking mga luha ng mabasa ang notification na lumabas mula saaking facebook account. Totoo ba 'to?

Dalawang rason lamang ang dahilan kung bakit naihulog ko ang aking cellphone sa sahig nang makita ko ang friend request. Its either happiness, or fear.

Happiness kasi si Kristian 'yon. Kung totoong siya 'yon, it means na buhay siya. Isa pa, nakita ko naman siya noong nakaraang buwan. Buhay siya.

Fear, kasi sabi ni Triss patay na si Kristian. Kung totoong patay na si Kristian, sino ang nagsend ng friend request?

Sa ngayon, mas pinapanigan ko ang happiness. May basehan ako. Nakita ko kasi talaga siya one month ago, and I'm sure nagkakamali si Triss na patay na si Kristian. Kilala ko si Kristian, palaban siya.

Kung patay na nga siya, sino ang nag-send ng friend request na pangalan niya? Ha! Simple lang, pwedeng may nag-hack o may nakakaalam ng password niya sa facebook. O kaya naman, maaaring kapangalan lang niya

Pero bakit ganito? May iba akong nararamdaman. Malamig, nandito ako sa sala. Ako lang ang mag-isa, sila Mom at Dad nasa states na. Ako naman, may sariling negosyo which is restaurant.

Kanina pa sarado 'yon at napag-desisyonan na umuwi na. Tumingin ako sa orasan sa harapan ko. 7:21 Pm.

Ang aga pa pala.

Nag-pop muli ang aking cellphone, kaya pinulot ko ito mula sa pagkaka-bitaw ko nito kanina. Tinignan ko ang messenger ko. Isang message request. Galing kay—no.

7:22 Pm

Kristian: Kumain ka na ba?

-—-—-—-
AN: 'Wag magtaka kung bakit maigsi ang bawat chapter. Ang genre nito ay Paranormal, at ang sub-genre naman ay Short Story. Kaya ganyan haha. Anyways, hope you enjoy.

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon