Chapter 33

222 18 1
                                    

"Akala ko ba okay ka na?"

Ang lakas ng hikbi niya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Tinignan niya akong mabuti sa mga mata. "Be-bes. M-may itatanong ako s-sayo," pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya.

Binigyan ko siya ng tubig at ininom niya iyon. Medyo kumalma naman siya pero umiiyak parin siya.

"Ano bang itatanong mo?" Kinakabahan ako sa kung ano mang tanong ang sasabihin niya saakin. Ngayon, she's totally getting me creep. Ang weird.

"Paano k-kapag. . ."

"Kapag?"

"Paano kapag nagkaroon ako ng isang matinding kasalanan sa'yo? Anong gagawin mo?" Tumingin siya sa bintana.

"Why do I have this feeling na may connection 'yang tanong mo sa pinag-dadaanan mo?" Kabang tanong ko sa kaniya. Humarap siya saakin.

"Just answer my question," diin nitong sabi.

"Well, it depends. Pero kahit ano pa man 'yan, bes kita e. Wala---"

"Sinungaling!" Lahat ng nasa higaan ay ginulo niya. Nagulo ang bed sheet, ang mga unan nagkalat. Ang mga chichirya ay natapon sa apat na sulok ng kwarto ko. Nagwawala siya.

"B-Bes! Ano ba! Tama na!" Dahan-dahan siyang tumigil.

"Simple pa lang 'yan pero nagagalit ka na," umismid siya.

"H-hindi sa gan'on. Pero--"

"Ganon 'yon!" Nakakatakot na talaga siya. Agad siyang tumakbo papunta sa pintuan ng kwarto.

"Bes! Teka sa'n ka pupunta!? Hintayin mo ako!" Sigaw ko dito.

Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit ganito ang nararamdaman ko na sobrang lalim ng pinang-huhugutan niya? Na parang sobrang bigat ng kasalanan niya.

Lumabas siya ng gate. Ang bilis ng kilos at takbo niya. Sumakay agad siya sa kotse niya at pinaandar ito ng sobrang bilis.

"BES!" Wala akong nagawa kundi ang tignang maglaho ang sasakyan ni Triss.

Ano bang nangyari sa isang 'yon?

"Ma'am Jimelyn," napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. May kasama pa siyang isang babae.

"Fiona?"

--
An : The. End. Is. Near.

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now