Chapter 38

218 8 3
                                    

Hindi ko maiwasang mapaluha sa itsura niya. Halata sa mukha niya ang sakit na nararamdaman niya. Magulo ang buhok, naka-tape ang bibig at nakatalali ang mga kamay. Hindi ko alam pero mabilis akong lumapit sa kinaroroonan niya.

"A-anong nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kaniya habang kinakagalagan siya. Tinanggal ko na ang tape sa bibig niya.

"H-hindi ka d-dapat nandito," madiin niyang sabi. Natapos ko na ang pag-kalag sa kaniya. Hindi ganoon kahigpit ang pagkakatali. Siguro ay dahil kanina pa pinilit ni Triss na alisin 'to.

"Ba-bakit? Ano bang meron?" Tanong ko sa kaniya. "Aalis na tayo dito," sabi ko na may diin sa bawat sasabihin. Hinawakan ko ang pulso niya at hinatak.

Pero kaagad niyang binawi ang kamay niya. "Hindi. Mali ang pag-punta mo dito," sabi nito saakin. Hindi ko siya maintindihan. Kailangan ko siyang iligtas sa kung sino man ang kamatayan na sinasabi saakin ni Cath.

"Anong--"

"Talagang mali ang pag-punta mo dito," nakarinig ako ng isang malamig na boses mula sa kadiliman ng apat na sulok na silid. "Sinasabi ko na nga ba at dadating ka, Jibby," halata sa boses niya ang pag-ka sabik.

"Sino ka? At papaano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko pa siya makita. Ni wala akong maramdaman na gumagalaw sa dilim. Napaurong kami ni Triss sa pader.

"Ikaw ang nag-sabi saakin na Jibby ang pangalan mo," natutuwang sabi nito batay sa kaniyang boses. Unti-unti kong naramdaman na may gumagalaw na hugis ng tao sa harapan namin.

"O I said so?"matapang na sambit ko.

Sabik na sabik na akong makita ang mukha ni Kamatayan. Sabik na sabik na ako na makita, kung sino siya at kung anong pakay niya kay Triss. Dahan-dahang lumapit saamin ang taong gumagalaw sa dilim.

"Ngayong dalawa na kayo," alam kong malapit na siya kaya mas lalo akong naalerto. "Mas masaya. . ." Sabi nito. Tuluyan ko ng nakita ang itsura nito. At ang mata nito ang agad kong nakita.

"Ikaw?"
--
An : Last 2 Chapters. Eksayted na ako!

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now