Chapter 24

221 17 0
                                    

Pumasok sa loob ng kusina ang waiter. "Ma'am, may naghahanap po sainyo sa labas," sabi nito ng makita niya akong nakaupo at nakatingin sa lalaking binigyan niya ng menu.

"Sino?" Tanong ko ng hindi lumilingon.

"'Yung lalaki po sa sulok. Ka-oorder lang po niya ng best seller nating chicken fillet at Ube-mango Ice cream, mukhang kanina pa po siya pabalik-balik dito," sabi niya.

"Talaga?" Napatingin ako sa waiter. If I'm not mistaken, Ivan ang pangalan ng isang 'to. "A-ano daw ang pangalan?" Tanong ko sa kaniya.

"Michael? Opo. Michael. Sige po ma'am mauna na po ako, madami pa pong customer sa labas. Hihintayin nalang daw po niya kayo," sabi ni Ivan.

Tumango lamang ako. This is weird. Michael? Wala akong maalalang Michael? But he looks very familiar. Hindi ko talaga alam kung saan ko siya nakita. Inayos ko ang sarili ko at hinandang humarap sa customer na nag-ngangalang Michael.

Lumabas na ako mula sa back door. Pinuntahan ko ang lalaking seryosong nakatingin sa labas. Disente ang pananamit niya pero makikita mo ang tatoo niya sa leeg. Isang ahas.

"Ah, how can I help you?" Sabi ko. Mabilis siyang napatingin saakin.

Ngumiti ito. "Did I disturb you?"

"Not really. Bakit mo ako hinahanap?" Tanong ko sa kaniya.

"So. . .hindi mo na ako kilala?"tanong nito saakin. So, he knows me? Bakit ba talaga pamilyar saakin ang lalaking 'to? Look, he knows me or not? "Well, it's bern 2 years way back ng una't huli tayong magkita."

Kumunot lalo ang noo ko. "Sino ka ba talaga?"

"Michael,"maikling sabi nito. Tumayo siya para sa shake hands pero tinitigan ko lamang ang kamay niya. "Oh don't be rude to your customer," sabi nito na may nakakalokong ngiti.

"Sorry but I don't know you? Can you excuse me?" Tumalikod na ako sa kaniya. At akmang aalis na nang magsalita siya.

"Ex of your bes."

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon