Epilogue

440 18 14
                                    

Nasaan ako?

Lumingon ako sa gilid ko, sa kanan, kaliwa at sa likod. Nasaan na ako? Madilim. Wala akong makita kahit ano. Kahit ang kamay ko, hindi ko makita sa sobrang dilim. Wala akong makita, it's totally, Dark.

Nagsimula akong mag-lakad ng dahan-dahan, baka kasi mamaya may butas akong maapakan. "Hello? May tao ba dito?" Sigaw ko sa gitna ng dilim. Nagulat ako ng may nakakasilaw na liwanag ang bunalot sa kadiliman.

"Yes. Your handsome childhood friend," unti-unti siyang lumapit saakin. Unti-unti ring nakapag-adjust ang mata ko mula sa liwanag na pinang-galingan niya, ni Kristian.

"Kristian!" Tuwang-tuwang sabi ko. Tumakbo ako sa kaniya at walang patumpik-tumpik na niyakap siya. "Alam mo bang sobra kitang na-miss!? Nakakainis ka! Akala ko talaga ikaw ang kausap ko sa chat. Buti nalang pala hard to get ako doon sa mga chat ko sa kakambal mo," natatawa kong ani.

Bumitaw ako mula sa pag-kakayakap. Hindi nagsalita si Kristian. Tinignan niya ako, sa mata. Ginulo niya ang buhok ko. "Na-miss din kita," sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Nasa'n ba tayo?"tanong ko. "Nasa langit na ba ako? Ibig sabihin magkakasama na ulit tay--" nilagay niya sa gitna ng labi ko ang hintuturo niya.

"Hindi mo pa oras," sabi nito saakin. Lumungkot ang mukha ko. "'Wag ka ngang malungkot diyan! Ang pangit mo! At infairness, hindi ka na gano'n kataba ng huli kitang makita!" Pagaasar niya. Napanguso naman ako.

"Eto naman! Minsan lang tayo magkikita inaasar mo pa ang beauty ko! FYI. Isa akong dating artista, slash, proofreader sa isang company noon, slash, Owner of a Restaurant," pagbubuhat ko ng sariling bangko.

"Oo. Naaalala ko nga na napanood kita sa Planet of the Apes. Na gabi ka na natatapos nag-proof reading, at ngayon, may Sarili ka ng restaurant," natatawa niyang ani.

"Planet of the apes ka diyan!" Pinalo ko ang dibdib niya.

Walang kupas. Mas lalo ko siyang mamimiss kapag ganito e. Palabiro parin siya. Tumawa kaming parehas. And then we're covered by a total silence.

"Kailangan ko na umalis," pagbasag niya sa katahimikan.

"B-bakit? Ang bilis naman,"pagtutol ko. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sasama nalang ako sa'yo, please," sabi ko, nagmamakaawa.

Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko. "Kagaya ng sinabi ko, hindi mo pa oras. At tsaka, tumakas lang ako sa langit para makipag-usap sa'yo dahil ito lang ang tamang oras para makipag-tsikahan."

"Pero natatakot akong bumalik do'n. Kasi 'yung kakambal mo e."

"Shhh. . ." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Nasa kulungan na siya ngayon. 'Wag kang matatakot, lagi akong nasa tabi mo," unti-unting tumulo ang mga luha ko sa mata. "'Wag ka ngang umiyak! Mahihirapan akong umalis nito e."

Mas lalo akong umiyak. Gusto ko kasi, wag na siyang umalis sa tabi ko.

"Pero Kristian--"

"I love you," huling salitang binanggit niya bago siya lamunin ng liwanag.

"Kristian! Wag mo ko iwan! Ang daya mo naman e!" Naiinis kong sigaw. Muling dumilim ang paligid. "Kristian!"

"Miss!" Agad kong binuksan ang mga mata ko nang alugin ako ng kung sino man. Kinilala ko ang mukha niya. Pero hindi ko talaga maalala kung sino siya.

"S-sino ka?" Tanong ko dito.

"Christian,"maigsing tugon nito saakin.

"Kapangalan mo ang kababata ko," napangiti ako ng kaunti. "Bakit nga pala ako nandito sa ospital?" Base sa mga kulay puting pintura, dextros, oxygen at kama. Nandito ako sa ospital.

"Hindi mo ba maalala? Kinover mo 'yung babaeng kasama mo no'ng gabing binaril ka. Dapat yung kasama mo ang mababaeil kaso hinarang mo. Kaya ayun, nabaril ka," paglalahad ni Christian.

"Gano'n? E paano ka naman nakapunta sa bahay ni Triss? And, wait? Ikaw 'yung lalaking nagtangkang kumuha saakin 'diba?" Takot na tanong ko. Oo, yung modus niya kunwari may hinahanap pero mangingidnap for ransom talaga.

"Ang judgemental mo naman po. Nagtatanong lang. Si Mrs. Santiago ay tita ko, sabi mo 'di mo kilala e kabilang pinto lang ang lapit niya sa bahay mo," natatawang ani niya.

"Gano'n ba? Paano ka ulit nakapunta sa bahay ni Triss?"

"Hindi mo maalala?" Kumunot ang noo ko. "Tinext mo pa nga ako, eto oh," nilabas niya ang cellphone niya at may pinakitang message.

From : 09*********
Si Jimelyn 'to, yung babaeng pinag-tanungan mo kung nasaan si Mrs. Santiago. Kelangan ko ng tulong, pumunta ka sa Abc street, malapit sa village kung saan mo ako nakita. Bilisan mo.
Sent : 12:34 am

Napagitla ako. Hindi ako nagtext sa kahit sino. Kaya paanong---

"Like I said, lagi akong nasa tabi mo," bumulong saakin si Kristian. Napangiti ako.

"Naalala mo na?" Tanong nI Christian.

"Ah oo! Nako. Sorry makakalimutin na ako. Nga pala, nasaan si Triss?" Tanong ko sa kaniya.

"Dinala ka lang niya dito pag-katapos sinabi niya na alagaan kita mabuti. Mag-papakalayo lang daw siya. Sabi ko nga 'di naman tayo close," sabi nito.

Napaisip ako ng malalim. Kung gayon, aalis siya. Mukhang nahiya din siya sa ginawa niya. Pero hindI ko naman magawang masaktan siya.

"Ah, Jimelyn tama?" Napaharap ako kay Christian. "Since, ako ang nag-alaga sa'yo. At nagbantay sa'yo, pwedeng humingi ng favor?" Tanong ni Christian.

Tumango ako without hesitation.

"Ano 'yun? By the way, pwede bang Ian nalang?" Natatawang tanong ko. Isa lang kasi ang kinikilala kong Kristian. At yun ang kababata ko.

"Ayus lang. Alam kong nakilala mo na si Cath at Fiona," sabi niya. HindI ko alam pero biglang naging kakaiba ang atmosphere.

"Si Cath? Yung kaibigan ni Fiona?"

Tumango siya. "Gusto kasi nilang. . ."

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin may pumasok na na dalawang babae sa loob ng kwarto ko. Si Cath at Fiona.

"Ano, napapayag mo na ba siya?" Tanong nu Cath. Ngumiti saakin sI Fiona at nag-hi.

"Aling napapayag? Saan?" Tanong ko.

"Ah. . .kasi--"

"Kaming apat ay bumuo ng grupo. Ang pangalan nito ay Pseids. Grupo kami ng Paranornalist na nag-sosolve ng mga kaso ng mga namatay na tao at hindI pa matahimik," deretsang sabi ni Cath.

"3 kayo?"tanong ko.

"Apat kami, si Ate ang isa," sabi ni Fiona.

"At magiging Lima kung sasali ka," sabi ni Ian.

Napakunot ang noo ko.

"Ano? Sasali ka ba? May naranasan ka ng isang paranormal thing, at alam mo ba nang hawakan ko ang kamay mo? Nakita kong may kaibigan kang multo. Makakatulong ang pagiging friendly mo para makasulba ng kaso sa mga multo."

Napaisip ako ng malalim. "Um-oo ka, nandito lang ako palagi. Hindi bilang multo, kundi bilang guardian angel."

Tinignan ko sila. Napangiti ako sa sinabi ni Kristian saakin.

"Sasali ako."

--
Proceed to Authors Note.

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon