Chapter 39

251 12 9
                                    

"Oh. Bakit sobrang gulat ka na makita ako?" Umismid siya. "Hindi ka ba masaya na nakita mo ulit ako?" Nakakalokong sabi niya saakin.

"Oh shut up!" Inis kong sabi sa kaniya. Mas lalo akong napahigpit ng hawak sa baseball bat na kanina ko pang hawak. Isang magandang tyempo lang ang hinihintay ko.

"And I want to hug you again just like you do," nang-aasar na sabi nito saakin.

"Bes, kilala mo siya?" Tanong ni Triss saakin. Bulong lang iyon kaya alam kong hindi narinig nI Kamatayan.

Tumango ako. "Sabihin na nating, isa siya sa pinag-dududahan kong chatmate, at. . .pinagkamalang si Kristian," nakangisi kong sabi.

"Mukhang may pinag-uusapan kayo ah, care to share?" Tanong ni Keco. I can't believe. Paano niya nagawa kay Triss 'to? Or should I listen to him before judging him? Imposible namang hindi siya ang gjmawa nito kay Triss 'diba?

"No. Care to share kung bakit mo ito ginagawa," sabi ko sa kaniya. Mas lalong bumibigat ang aura. Nag-iba din ang kurba sa labi ni Keco. It's creepy smile.

"You want me to?" He grinned. "It's simple. I'm here because my brother, didn't died because of heart disease. And I'm here to chase the one who's behind of his true death," sabi nito. May nilabas siyang maliit na baril sa bulsa niya kaya mas lalo akong naalarma.

"Deretsahin mo nga ako, sinong kapatid? Sinong tinutukoy mong hinahabol mo?" Tanong ko dito. Hindi ko maintindihan pero bigla nalang napahikbi si Triss sa likuran ko. Pinatahan ko siya pero it's useless.

"Okay. You want me to straight to the point? I, Keco Di Vega is Kristian Fernad's brother. To be specific, Twin. If you ask me kung bakit Di Vega ako at Fernad ang apelyido niya, it's because, si Kristian ay pinaampon. And he adopted the surname of the family who adopted him. . ."

". . .Nag-kahiwalay kamI, when we were 5 years old. Pero desidido akong mahanap siya kaya pumunta ako sa kung nasaan ang nag-ampon sa kaniya. But I was too late. Mayroon ng sakit sa Puso si Kristian."

Kaya pala magkamukha ang mga mata nila. Kakambal niya sI Kristian.

"Kinwento saakin ni Kristian ang lahat ng nasa ICU siya. Sinabi niya na nahanap na niya ang taong magpapasaya sa kaniya. Sinabi pa nga niyang, ginamit niya ang pangalan ko noong mga unang araw na nakipag-chat siya, sa'yo. Jimelyn Astrid or Jibby. Tama?. . ."

Ibig sabihin, ginamit ni Kristian ang Pangalang Keco Di Veg dahil trip lang niya? Naaalala kong Keco Di vega ang nag-paadd saakin noon. Kaya konektado 'yon sa sinasabi ni Keco.

". . .and guess what? Ilang linggo lang, gumaling si Kristian mula sa sakit sa puso. Pauwi na kami noon, nag-ddrive ako ng kotse nang mahulog ang panyo niya sa bintana ng kotse, ewan kung paano. Isang malaking katangahan 'yon dahil dito eeksena ang kaibigan mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon