Chapter 34

219 15 0
                                    

"Magandang gabi po Ma'am Jimelyn," sabi ni Fiona.

"Pasok kayo," sabi ko. Hindi parin mawala sa isip ko kung anong nangyari kay Triss. Sinara ko ang gate matapos nilang pumasok. Wala naman silamg sinabi na 'Aalis na din kami kaagad' kaya I assume na mahaba ang pag-uusapan namin.

"Pasensya na po kung gabi na kami pumunta. At mukhang wrong timing pa," sabi ni Fiona. Mukhanag ang tinutukoy niya ay ang tungkol kay Triss.

"Ayos lang. Ano bang atin?" Tanong ko. Pinaupo ko sila sa sofa. "Gusto niyo ba ng juice, kape o tubig?" Offer ko.

"Ah, hindi na po. Nandito po kami para sabihin na 'yung tao pong nagpa-schedule ng catering para sa debut ng anak niya e pina-pacancel," sabi ni Fiona.

"Bakit daw? At bakit hindi saakin sinabi?" Takang tanong ko.

"Hindi din po namin alam. Ang weird nga po niya e. Sabi po niya hindi ma-contact ang cellphone ninyo," sabi ni Fiona. Ang kasama niya, tahimik at nag-mamasid masid sa loob ng kwarto ko.

"I see," sabi ko habang tatango-tango.

"Hindi wirdo ang tawag sa taong nakausap mo, Fiona," sabi ng kasama niya. "At lalong hindi tao ang kausap mo," napakunot lalo ang noo namin ni Fiona sa sinabi nito. Tumingin ito saakin.

"Ah, Ma'am Jimelyn, siya po si Cathline. Pwede niyo po siya tawaging Cath," pagpapakilala ni Fiona sa kasama niya. "Siya po 'yung sinasabi kong Paranormalist na kaibigan ko," sabi niya.

Bago no'ng araw na napunta ako sa ospital, nabanggit nga niya na may kaibigan siyang paranormalist, at kapatid na exorcism.

"Pinilit po kasi niyang sumama dito dahil--"

"Nasa panganib ang buhay ng kaibigan mo," deretsahang sabi nito.

"Paano nasa panganib?" Takang tanong ko.

"Tinanong mo ba kung ilang taon ang taong mag-dedebut?" Out of the box nitong tanong saakin.

"21? Bakit, anong meron?" Tanong ko dito.

Humarap siya kay Fiona.

"Hindi ko alam, pero masama ang kutob ko."

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now