Chapter 16

280 19 0
                                    

"Nako Bes! 'Wag mo nga akong lokohin! Para naman tini-trip mo lang ako dahil alam mong senti mode ako, 'wag ako bes. Wala ako sa mood ngayon ah!"naiinis kong sabi sa kaniya.

"B-bes. H-hindi ako nag-sisinungaling. May n-nakita a-ako,"nakalutang niyang pinaandar muli ang sasakyan. Buong byahe pauwi sa bahay, hindi na siya nagsalita. Wala na siyang imik.

Bumaba ako sa kotse at nagpaalam na sa kaniya. Umalis na siya ng hindi nagpapaalam saakin at halata mo pa rin sa mukha niya na nakalutang parin ang isip niya. Ano ba talagang nangyari do'n?

Tumingin ako sa harap ng bahay namin. Tahimik na dito sa subdivision dahil 10 na ng gabi. May curfew pa kaya nakadagdag bawas ito sa mga batang nasa lansangan. Bubuksan ko na sana ang gate ko ng may humawak sa balikat ko.

Sa gulat ko ay siniko ko ang kung sino mang humawak sa balikat ko. Mahirap na. I am an amazona. Magugulatin pa naman ako, samahan pa ng pagka-advace thinking ko.

"Aray!" Narinig kong sabi ng isang tao sa likod ko. Napatingin ako dito't napag-alaman kong lalaki pala siya. Sa mukha naman niya, hindi naman siya mukhang masamang tao. Nahiya tuloy ako. Pero kahit na! Hindi ko parin siya kilala.

"Sino ka?"mahinahon kong tanong habang dumidistansya sa kaniya. Mahirap na, baka mamaya bigla nalang niya akong sugurin.

"Sorry Miss, nagulat ba kita?"tanong nito habang nakahawak parin sa kaniyang tagiliran. "Magtatanong lang sana ako, saan ba 'tong---"

"Alam ko na 'yang modus niyo! Kunwari magtatanong kung saan pero ang pakay mo talaga'y kuhain ako, tama ba?"nakangisi kong sambit. It's good to be advanve thinker than to be swallowed by a wise man.

"Nope. Actually, magtatanong lang naman talaga ako kung saan makikita si Mrs. Santiago, do you know her? Sabi kasi sa address dito daw siya nakatira,"sambit niya na hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko.

"Mrs. Santiago? Wala akong kilala,"I said then dahan-dahang naglakad papunta sa gate ng bahay ko. "S-sa iba ka magtanong!"sabi ko bago patakbong pumasok sa loob ng bahay matapos kong ilock ang gate.

Hoo. Muntik na ako do'n.

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon