Chapter 14

275 19 0
                                    

"Aba malay ko sa'yo bes, baka mamaya niyan may kasalanan ka kay Kristian,"tanong na ani ni Triss saakin. "Hindi kaya dahil hindi ka nakapunta sa araw na dinala siya sa Ospital?"tanong nito saakin.

"Tingin mo? Magagalit kaya 'yun?"tanong ko sa kaniya.

"H-Hindi ko alam. Never ka pa namang hindi sumama kapag dinadala siya sa ospital 'di ba? M-malay mo lang naman,"utal na sabi niya.

Napabuntong hininga ako. Alam kong hindi dapat ako naniniwala sa mga ganitong kalokohan, pero kung nakita ni Triss na namatay talaga si Kristian, sino ang nagcchat saakin? Posible kayang may nanttrip saakin?

Hays.

"Bes, before I forgot, sa susunod na linggo na magbubukas ang Shop ko. I want you to attend the ribbon cutting ah," sabi niya sabay bigay saakin ng invitation. "Nga pala, sabi ng doctor puwede ka na lumabas mamaya. Buti nga't hindi talaga bumagok ang ulo mo, bobo ka na nga---"

"Nakakahiya sa'yo bes,"sabi ko sa kaniya with matching irap.

"Teka, may nakalimutan pala akong sabihin sa'yo,"sabi niya. Napalingon akong muli sa kaniya at binigyan siya ng what-look. "Nakalimutan nga 'di ba?"she said seriously.

"Dafak Triss?"irita kong sabi sa kaniya. Hanggang ngayon ba naman dadalhin niya ang nakakainis na mga banat niya no'ng higschool days? Nakaka-G (Gigil) ah.

"Chos. Seriously, dapat noong nakaraang buwan ko pa ito sinabi sa'yo, kaso para ngang lutang ka kaya ayun, ngayon ko nalang sasabihin sa'yo."

"So ano nga?"may patense-tense pang nalalaman ang babaeng 'to.

"Wala ka bang naaalalang mangyayari ngayon buwan?"tanong niya saakin. Napakunot naman ang noo ko. August? Ano nga bang meron sa August?

"Buwan ng Wika?"tanong ko.

"Gaga! Seryoso? Nakalimutan mo na ba?"tanong nito habang nakapout at mukhang malungkot. Seryoso?

"Oo na naaalala ko na po,"I said then cross my arms. Napangiti naman siya saakin. "Birthday ng alaga mong si Tiffany!"masaya kong ani. "Oh anong meron sa birthday niya?" And with that. . .malakas na batok ang natanggap ko mula sa kaniya.

"BES!"
--

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now